WARD 2

1393 Words
"I'm sorry to say this but Vana is infected by EVOL virus," nakayukong sambit ni Doktora Celeste, "Mas mabuti na maipadala niyo agad siya sa facility para magamot doon." "No, no, no, imposible ang sinasabi mo," agarang pagtutol ni mama sa sinabi ni Doktora Celeste, "She has been inside this room for the whole time kaya paano siya matatamaan ng virus na iyan?!" "I agree with my wife," sang-ayon ni papa sa sinabi ni mama, "Imposible na ma-infect siya ng EVOL virus kung hindi naman siya lumalabas ng aming bahay. Run another test baka na misdiagnos mo lang ang sakit niya." Napabuga ng malalim na hininga si Doktora Celeste. "I know it is hard to believe. Kahit ako ay hindi ko agad naisip na posible na natamaan siya ng EVOL virus until I saw her hair. Unti unti na umiiba ang kulay ng kanyang buhok. The tips of her hair are turning into light blue," pagpaliwanag ni Doktora Celeste kaya niya nasabi na infected ako ng EVOL virus. Agad naman tinignan nina mama at papa ang aking buhok at nakita ko ang pagkaputla ng mga mukha nila nang makita ito. Kaya kumuha ako ng ilang hibla ng aking buhok para tignan ito. Sa ngayon ay hindi pa gaano nahahalata ang pag-iiba ng kulay ng aking buhok kung hindi ito titigan sa dulo. Mukhang bago pa lang ang pagkapit sa akin ng virus kaya ganito pa lang ang pagbabago sa aking buhok. Malakas na bumalahaw ng iyak sina mama nang makumpirma nila na tama si Doktora Celeste. Mukhang alam na nila ang kahahantungan ko. Mula sa 17 na taon na pakikipaglaban para mabuhay ay mamamatay din pala ako dahil sa epidemya. "Sa sobrang kuryosidad ko sa EVOL virus, tinamaan tuloy ako nito," pagbibiro ko para kahit papaano ay pagaanin ang kalooban ng aking magulang sa kalagayan ko. Ngunit kahit anong gawin kong biro sa sitwasyon ko ngayon at hindi nito mababago ang katotohanan. Lumandas ang luha sa mga aking mata na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko matanggap ang aking sasapitin dahil sa virus na ito. Bakit ako pa ang tinamaan nito? Hindi pa ba sapat ang paghihirap ko para lang mabuhay? "I don't want to die yet..." biglang bulahaw ko ng iyak at parang batang nagta-tantrums, "Tutuparin ko pa ang pangarap ko na maging isang magaling na doktor tulad ni Doktora Andrea di ba?" Mahigpit na hinawakan nina mama at papa ang aking kamay na tila ito na ang huling sandali na mahahawakan nila ito. Alam ko na ayaw nila ako pakawalan ngunit wala sila laban sa batas ng gobyerno. Anumang oras ay kukunin na nila ako para dalhin sa ospital at gamutin doon. "Ma, Pa, w-what s-should I do?" natatakot kong tanong sa kanila, "K-Kukunin nila ako. W-What if hindi rin ako makabalik ng buhay tulad ng nasa balita?" "Y-You are strong, Vana. A very very strong child," seryosong sambit ni papa, "Promise me that you will live and come back with us, okay?" Tinango tango ko ang aking ulo na tila tinatanggap ang hamon sa akin ni papa habang patuloy ang pag-agos ng luha sa aking mga mata. "Of course, marami na akong sakit na pinagdaanan kaya wala lang itong EVOL virus," matapang na sambit ko, "I will be back. Ako ang unang mabubuhay from this virus." "No, no one is getting my daughter!" pagkontra naman ni mama sa usapan namin ni papa, "Dito lang ang anak natin, Gil! Don't let them ger her!" Hinawakan ni papa sa kanyang balikat si mama bago niyakap nang mahigpit. "I know it hurts for you na ibigay sa gobyerno si Vana. You spend your life na alagaan siya," nauunawaang sabi ni papa, "Pero wala tayo magagawa at ipagdasal na lang na gumaling siya mula sa virus." "No Gil! Not my baby!" iyak pa rin ni mama at pilit kinukumbinsi si papa na huwag ako ibigay sa gobyerno ngunit puro pag-iling lang ang sinagot ni papa sa kanya. "I-I'm s-so sorry, ma, pa," umiiyak na paumanhin ko sa kanila, "Nahihirapan kayo ngayon dahil sa akin." Iniling iling ni mama ang kanyang ulo at tinignan ako sa mata na punung puno na naman ng pagsisisi. "No, kami ang dapat magsorry sa iyo anak!" umiiyak na paumanhin ni mama, "Kung maayos lang kita ipinagbuntis ay baka nagawa mo mamuhay ng normal bago mangyari ito sa iyo. Siguro nagkaroon ka ng magandang alaala bukod sa apat na sulok ng iyong kwarto." Lumipas ang isang oras na iyakan ay bumalik sa kwarto si Doktora Celeste at may kasama na siya ngayon na mga taong nakabalot ang buong katawan at mukha para hindi mahawaan ng aking sakit. Nanghihina ako tumingin sa aking mga magulang habang pilit sila inilalayo ng mga taong iyon sa akin. Naiiyak ako dahil ayoko makita sila ng ganito na nahihirapan. "Vana! Anak ko!" umiiyak na hiyaw ni mama at pilit ako inaabot ng kanyang kamay, "Please huwag niyo siyang kunin! Nagmamakaawa ako! Gusto ko pa makasama ng matagal ang anak ko! Handa ako magbayad ng kahit anong halaga basta huwag niyo lang siya kunin sa amin." "Pasensiya na ho," seryosong sambit ng taong pumipigil sa kanila, "Ito po ang protocol sa amin sa lahat ng positibo sa virus. Kailagan namin siya kunin para i-isolate sa inyo at sa kaligtasan na rin ng mga nakatira sa malapit sa inyo. Unawain niyo na lang po na ginagawa naming ito para hindi na lalong kumalat ang sakit." "No! Please huwag niyo siyang kunin!" umiiyak pa rin na pakiusap ni ni mama sa kanila, "Iisa lamang ang anak namin. Hindi ko kakayanin na mawala siya." "Ito po ang mas nakakabuti sa kanya at sa inyo," paruloy na pagtanggi pa rin ng mga tao kumukuha sa akin, "Mamaya ay may darating na team para i-test kung ligtas kayo sa virus kaya sa ngayon ay dadalhin namin siya para mai-isolate na at masailalim sa gamutan." Naramdaman ko na lang na binubuhat na nila ako palabas ng aming tahanan. Nakita ko pa ang iba naming kapitbahay na nakasilip sa kani-kanilang bahay na nakikiusyoso at nandidiring tinitignan ako. Aaminin ko na nasaktan ako sa klase ng tingin na iyon kaya mas minabuti ko na iiwas na lang ang aking tingin. Hindi ko tuloy maiwasang mag-aalala sa gagawin nilang pagtrato sa aking magulang dahil sa isa ako sa nag-positibo sa EVOL virus. Ipinalalangin ko na sana ay hindi ko sila nahawaan ng aking sakit. Sapat na ako lamang ang magdusa sa sakit na ito at hindi sila. Tuluyan na naisakay ako ng mga lalaki sa kanilang dalang ambulansya at may tinurok silang gamot sa aking braso upang unti unti ako makaramdam ng pagkaantok. *** Naalimpungatan na lang ako dahil sa mga nakakarinding ingay sa aking paligid. Pagmulat ko ng mga mata ay bumungad sa aking paningin ang pamilyar na puting kisame ng isang ospital. Ito marahil ang tinutukoy na facility sa mga balita kung saan dinadala ang tulad kong mga pasyenteng nag-positibo sa EVOL virus. Sinubukan kong igalaw ang aking kamay nang maramdaman na tila may mga bagay na pumipigil sa aking pagkilos. Pagtingin ko sa aking katawan ay nakita ko ang maraming aparato na nakakabit sa akin na siyang gumagawa ng nakakarinding ingay. Gusto ko man ito tanggalin ngunit alam ko kailangan ito ng mga doktor upang mai-monitor nila ang aking kondisyon. Naalala ko na wala pa rin silang nadidiskubre na lunas sa EVOL virus ngunit ayoko pa mawalan ng pag-asa na mabubuhay ako. Umaasa ako na makakabalik sa aking mga magulang nang ligtas katulad ng iniwang pangako ko sa kanila. Hindi pa ako pwede mamatay... Hindi ako mamamatay... "Aaaaaaah!" narinig ko ang isang nasasaktang pag-ungol sa kalapit na higaan. Sa aking paglingon ay doon ko lang napansin na may kalapit ako na pasyente. Isang itong matangkad na lalaki, matangos ang ilong, mapula ang labi, maputi rin siya at halos magkulay pula ang kanyang itim na buhok mula sa infection ng EVOL virus sa kanya. Sapo sapo niya ang kanyang dibdib na tila nahihirapan siyang huminga. Namimilipit din siya sa sakit at maluha luha pa ang kanyang mga mata habang umiinda. "Ah! Hah! Hah! Ah! Guh!" nahihirapan niyang bulalas at kapos na kapos sa hininga kasabay pa nito ang mas nakakarinding ingay dahil sa pagwawala ng mga aparato na nakakabit sa kanya, "I-It h-h-hurts...H-H-Help...m-m-me..." dagdag niya at pilit kinakapa kung nasaan ang red button sa higaan niya para tumawag ng mga doktor at nurse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD