Pagkatapos ng aming tanghalian ay muling bumalik kami sa kanya-kanyang trabaho. Ngunit kumpara kanina ay may tensyon na namuo sa aming paligid. Ramdam ko sa bawat pananakaw nila tingin sa akin, ang hindi kagustuhan ng mga wind at earth type na manatili at makasama ako rito. Kung masusunod lang sila ay marahil gugustuhin nila na mawala ako mismo ngayon dito. Nanginig ako dahil sa matinding rejection na binibigay nila sa akin. Sa isang maling hakbang ay ito ang aking kinahinatnan. Hindi na nga ako tanggap ngayon ng komunidad pati ba naman ng mga kapwa kong survivor? Saan pa ako lulugar nito? "Don't mind it, Vana..." rinig kong pagbulong ni Devon sa akin habang abala ang sarili sa pangbukal ng lupa, "Nabubulagan pa sila ng galit sa ngayon pero unti unti ka rin nila matatanggap. Dahil sa

