Dahil sa ginawang gulo ni Flare sa site ay marahas na ibinalik siya ng mga gwardiya sa kanyang kwarto. Hindi naman nanlaban si Flare dahil alam niya na iyon lang ang inaantay ng mga ito para i-activate muli ang kanyang collar. Tsaka hindi na rin kakayanin ng katawan niya na maulit ang pagkuryente rito. Malaking damage ang nakuha niya nang subukan niyang depensahan si Vana sa mga kumukuhang gwardiya sa kanya. "Tsk! Hindi ko alam kung bakit pumayag ang mga pinuno namin na palabasin ka kahit gulo lang naman ang dala mo rito. Aisssh! Mag-behave ka lang diyan... Iyon ay kung gusto mo pa makalabas muli sa kwartong ito!" gigil nilang sambit saka malakas na binalabag pasara ang metal door para ikulong siya roon. Siniguro muna ni Flare na nakaalis ang mga ito bago biglang nanghihina na napaluho

