"D-Doktor T-Thiago?" natatakot na pag-ulit ko at bahagya na napaatras ng ilang hakbang palayo sa bago naming kasama sa kwarto. Napalunok pa ako ng paulit ulit saka mapagmatyag na pinagmasdan siya. Dahil siya lang naman ang henyong doktor na kasama sa proyektong ito at siyang nagpahirap sa mga kasamahan ko para lang mapag-aralan ang EVOL virus. Siya ang taong ibinilin sa akin na Devon na dapat ko iwasan. Pero paano ko siya iiwasan kung siya mismo ang nagtungo rito ngayon? Ano naman kasi ang ginagawa ni Doktor Thiago sa aming kwarto? Saka bakit kulay bughaw ang kanyang buhok at mga mata? Isa bang palabas ito para linlangin kaming lahat? Nandito ba siya para ipagpatuloy ang pag-aaral niya sa aming kondisyon? Ang dami-daming tanong na umiikot ngayon sa aking isipan. Sa dami nito ay tila

