Chapter 14: Ang Simula

897 Words
Isang oras na ang lumipas mula ng mangyari ang nakakahiya bagay sa akin. At hanggang ngaun ay hindi pa din mawalawala sa aking isipan kung papaano ako naging katawatawa kanina sa harapan ni Mr.Darius. Kaya naman ng dahil sa pangyayaring yon ay pinili ko na lamang na manatili sa loob ng unit na ukopado ko kahit pa alam ko na sa mga oras na ito at hinahanap na din ako ng mga katrabaho ko. Rassy andiyan kaba sa loob!" Napalitan ng pagtataka ang aking malalim na pagiisip ng may kumatok mula sa pintuan. Agad din naman akong tumayo at sinilip mula sa maliit na butas kung sino man ang aking naging bisita. At ng malaman kong si Mr.Reyes ito. Ay agad ko din namang itong pinagbuksan. Good evening Rassy okay ka lang ba? Pasensiya kana at sinadya na talaga kita dito dahil sa pagalalang may nangyaring hindi maganda sayo." Bungad agad ni Mr.Reyes sa akin. Ngumiti naman ako dito at tuluyan na ngang nilawakan ang pagkakabukas ng pintuan. Goodevening athan... Okay lang naman ako medjo sumakit lamang ang ulo ko dahil sa hindi maayos na pagtulog ko kagabi. Pero nakainom naman na ako ng gamot siguro mamaya lamang ay iige na rin ang pakiramdam ko. Gusto mo bang pumasok muna?" Pagsisinungaling ko saglit naman itong tumingin sa kanyang relong pambisig bago ngumiti at tumango sa akin. Kaya naman agad ko din itong senenyasang pumasok na kami sa loob. Maupo ka at kukuha lamang ako ng maiinom natin." Kasalukuyang nagsasalin ako ng mainit na tubig sa tasa ng tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko. Saglit kong hininto ang aking ginagawa ng makita ang pangalan ni Mr.Drian na siya palang tumatawag sa akin. Hello.... Yun pa lamang ang nasabi ko nang may mahina katok ang pumukaw sa aking pandinig at kasabay ng katok na iyon ay ang pagsasalita naman ni Mr. Drian sa kabilang linya. Open that door." Yun lang at dalidali kong binuksan ang pintuan at tama nga ang hinala ko. Si Mr.Drian nga ang siyang bumungad sa akin. Magandang gabi Sir Drian... May kailangan po kayo?" Hindi nito sinagot ang tanong ko bagkus napansin ko ang biglaang pagdilim ng anyo nito ng dumako ang paningin nito sa likuran ko. Kaya naman napasunod na rin ang aking mata sa kung ano ang tinitignan nito. Good evening Mr. Rax.. Imbes na sagutin nito ang pagbati ni athan ay salitan kami nitong tinignan. Nagtataka man ako sa inaasta nito ay hindi ko na lamang binigyang pansin pa. Muli nitong binalingan ng tingin si athan na ngaun ay nakalapit na pala sa akin. Hindi ko alam ngunit pakiwari ko ay kinilabutan ang buo kong katawan ng makitang bahagyang tumaas ang labi nitong ngumisi sa akin. ah sir baka po gusto niyo po muna pumasok at sumabay sa amin ni atha- uhmp... mr.reyes mag coffee. At sa ikatlong pagkakataon ay hindi nanaman nito ginawang sagutin ako. Kaya naman agad na tumalima na ako't nauna na lamang pumasok sa loob. Wow ibang klase pakiwari ko ay ito ang pinamasarap na kapeng matikman ko... Salamat Miss Deria." Nais ko sanang matawa sa sinabi nitong si athan ngunit ng dahil sa seryosong mukha ni Mr.drian ay hindi ko magawang kumilos manlang. Pakiwari ko sa mga oras na ito ay isa akong taong may kasalanan at kailangang litisin nito. Mr. Rax bakit hindi mo subukang inumin yang kapeng ginawa ni miss deria ng ikaw mismo ang humusga. Mangali-gali ko ng kurutin itong si athan dahil sa pinagsasabi nito. Parang ako na lamang ang nahihiya sapagkat alam ko naman sa sarili ko na wala namang pinagkaiba sa ordinaryong kape itong ginawa ko kaya hindi ko talaga maintindihan ang pinagsasabi nito. Nakita ko naman na kumilos bahagya si Mr. drian at sinimulan na ngang higupin ang kapeng ginawa ko. Bahagya pa itong ngumisi bago nagsalitang tumingin sa akin. I think simula ngaun ay tanging kape na lamang na manggagaling sayo ang iinumin ko Miss. Deria" Nagulat pa ako sa hindi inaasahang sasabihin nito. Hindi ko alam kung anong reaction ba ang dapat kong maging tugon sa sinabi nito. Kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang ngumiti na lamang at iyuko ang ulo ko. Anyway... Hindi talaga ito ang sadya ko sayo Miss. Deria." Napalitan ng pagtataka ang hiyang nararamdaman ko sa hindi ko na namang inaasahang sasabihin nito. At ng tignan ko ito ay ganun na lamang ang pagkabigla ko ng mataman pala itong nakatingin ng deretso sa akin at inaaral ang magiging kilos ko. Pasensiya na sir ngunit maari ko po bang malaman kung ano ang problema... At kinailangan niyo pa talagang sadyain ako dito." sana ay pinadalhan niyo na lamang ako ng mensahe ng sa ganun ay ako na lamang po ang sumadya sa inyo." Kinakabahan man ako sa kung ano ang sinadya nito sa akin ay mas mainam na ako na mismo ang kusang magtanong dito. Sapagkat mukang importante talaga kung ano man ang kailangan nito at talagang nagawa pa akong personal na sadyain nito dito. Habang hinihintay ko naman ang magiging sagot nito ay pililit ko namang pinatiling nakatuon lamang ang mata ko dito. Ngumisi naman ito sa akin bago dahan dahan uminom sa tasang hawak at tyaka muling nagsalita sa akin. Be my date tonight.. Hindi ito pakiusap kundi utos. Kaya naman I give you thirty minutes para maghanda. And don't worry its all about business at kailangan kita doon... Po....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD