Not reaching on him makes me feel so sad. Inabot ako ng umaga sa paghihintay ng tawag o kahit message na lang ni Jeff. Pero bigo akong makatanggap. Nag-aalala ako ng sobra. Sinubukan kong hanapin sa contacts ko si Danna. Pero bigo akong makita dahil hindi ko pala nakuha ang contact informations niya. Siya na lang sana ang aking pag-asa upang matawagan ko si Lucas ng sa ganoon ay maipaalam niya kay Jeff na naghihintay ako. Naisipan kong magpunta sa bahay ni Lucas. Alam kong wala akong idea kung saan naroon kahit nasa iisang subdivision lamang kami. Hindi ko din naman nagawang maitanong kay Jeff noong nandito pa siya. Kaya naman ay nagtanong ako sa gwardiya ng subdivision. Pero wala din. Naalala ko bigla ang mommy ni Jeff. Tatawagan ko siya upang magtanong kung nag-contact ba si Jeff s

