Just You and I
Three days na masosolo namin ang isa’t-isa. And today is our first day together as Mr and Mrs. Montemayor. Ang gandang sambitin.
Nakaayos na kaming dalawa at pababa na ng elevator. May nakasabay kaming isang dating kaibigan niya na nagkataong doon din naka check-in.
“Hi!” ang bati ng isang lalaking kay kisig at ang puti. Nagtaas ako ng tingin sa kaniya.
“Oh! Pare? Kamusta?” ang sabi naman ni Jeff, unat na ang labi nito sa ngiti.
Nagyakap silang dalawa sa harap ko habang nasa loob ng elevator. Mahigpit at tila miss na miss ang isa’-isa? Nangunot naman ang noo ko ng makita ko iyon.
“Long time no see ah.” salitang lumabas sa mga bibig ng lalaki sa harap ko at kumawala sa yakap ng asawa ko. Nakaakbay siya sa asawa ko.
“Bakit ka nandito? What I mean, who is with you?” tanong ng lalaki kay Jeff na bakas sa mukha nito ang kagalakan na nagkita silang dalawa.
“Oh! Meet my beautiful wife, Lesley!” ang pakilala ni Jeff sa akin.
Kumalas siya sa pagkakaakbay kay Jeff at iniabot ng lalaking ito ang kaniyang kanang kamay sa akin.
“Hello Mrs. Montemayor! Finally I met you in person.” Nakangiti niyang bati sa akin.
Iniabot ko ang kanang kamay ko at nakipagkamay na din bilang respeto sa ipinakita niya.
Tumabi si Jeff sa akin.
Humawak ako sa braso niya.
Nasa harap namin ang lalaking iyon. Hindi pa ipikikilala ni Jeff sa akin ang lalaki. Iniisip ko na lang na baka katrabaho o ‘di kaya ay dating kakilala.
“Siya nga pala kailan ka pa bumaba?” tanong ng lalaki kay Jeff.
“Mag-dalawang buwan na.” ang sagot ni Jeff.
“Matagal na din pala. Ganoon pa din ba ang kompanya mo?” dagdag pa niya.
“Hindi na. Lumipat na ako. Europe na ang biyahe. Magkakapamilya na kaya minabuti kong lumipat bago nagpakasal.”
“Mabuti ka pa at settled na.” ang sabi ng lalaki.
“Oo naman. Tumatanda na kaya kailangan na magkapamilya.” Sagot naman ni Jeff.
Tahimik lamang ako na nakikinig sa kanilang usapan. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sapagkat hindi ko naman iyon kilala. Kahit may gusto akong sabihin sa asawa ko ay nahihiya akong agawin ang atensiyon niya dahil magkausap sila.
Nakarating na kami ng ground floor.
Lumabas kami ng elevator at nagpaalam siya sa lalaking iyon.
“Mauna na kami. Mabuti at nagkita tayo dito.” Tinapik niya lang ang balikat nito at saka na kami umalis.
Ngumiti lang siya sa amin at kumaway.
Patungo kaming spa. Mag unwind sandali bilang bagong kasal. Matagal-tagal na din since the last time we went out together like this.
Nakakapagod ang preparation ng kasal.
I remember kahapon, napakaaga ko bumangon. But, actually hindi ako natulog.
Oh di ba? Sino ba naman ang makakatulog sa gabi bago ang kasal?
Kaya naman okay lang kahit iyong first night namin ay hindi gabi ng pagpupulot gata. Kundi gabi ng pahinga. Kasalanan ko naman kung bakit ganoon ang nangyari, alam kong hindi ako malakas uminom.
But that wine tastes so good. Im thinking na bibili ako ulit, for tonight nang sa ganoon ay magkasama kaming mag celebrate ng mahalagang kabanata n gaming pagsasama.
Naghintay ako sa lobby ng hotel. Kinuha niya ang sasakyan sa parking lot. Lumapit doon ang lalaki na nakasabay namin sa elevator.
“Hi Lesley!” bati niya sa akin.
Lumingon ako sa aking katabi ng marinig ko ang boses na yun. Nakasuot siya ng slipped on shoes na kulay black. Slim fit shirt at shorts. He look so tidy sa outfit na iyon. Lalo na napakabroad ng shoulders niya daig pa niya ang shape ni Jeff. But something strucked me when he speaks.
He sounds familiar. Siya ba ang tumawag kanina sa phone ni Jeff?
O baka naman akala ko lang.
“Hi!” binati ko siya na may tipid ang ngiti sa labi. Nakakailang lang kasi.
“Hindi ka ipinakilala ni Jeff sa akin, may I know your name, sir?” magalang kong tanong sa kaniya.
“Ay, oo nga pala, hindi ko naipakilala ang sarili ko. I am Lucas Herrera!” ngumiti siya sa akin.
“Ah, Lucas.” Napaisip ako, familiar ang pangalan niya, but I am not sure kung saan kami nagkakilala.
“Matagal mo ng kakilala ang asawa ko?” tanong ko sa kaniya habang naghihintay na dumating si Jeff.
“Medyo may katagalan na din naman, I think about five years?” ang sabi niya.
“Wow! Ang tagal na din pala, hindi ka pa niya naikukwento sa akin kaya hindi kita maalala.” ang paliwanag ko naman.
Maya-maya ay dumating na si Jeff at humakbang na ako pababa ng hagdan.
“Lucas, nice to meet you, mauna na kami.” Paalam ko sa kaniya.
Bumaba ng sasakyan si Jeff at pinagbukas ako ng pintuan.
Umakyat na ako sa passensger’s seat at naglock ng seat belt.
Umakyat na din si Jeff ng sasakyan. At kumaway siya dito. Nakatingin lang si Lucas sa amin na nakangiti suot ang shades niya. Hindi ko makita ang mga mata niya.
Habang nasa biyahe kaming dalawa papunta sa isang resorts’ spa, ay ikinuwento ko sa kaniya na nagkausap kami ni Lucas.
Ang sabi ni Jeff ay dati niyang instructor ito sa training center ng company. Isa din itong seafarer katulad niya. Naging malapit daw sila sa isa’t-isa dahil madali lang daw pakiusapan itong si Lucas kung mayroon siyang mga tanong about sa work niya sa barko.
Hindi ko na ipinadetalye sa kaniya dahil mas gusto ko na pag-usapan namin ang mga susunod naming gagawin for the remaining days na naka check-in pa kami sa hotel.
I’m thinking na mag movie kaming dalawa, then magpunta sa isang library café na pwede kami magbasa ng favorite novels ko, kahit ‘di na niya ako sabayan, basta at nasa tabi ko lang siya.
Hindi naman iyon corny na, we will try some things na ginagawa ng mga teenagers ngayon.
Gusto ko maexperience ang ganoong klaseng date dahil sa tagal ng panahon na sa work ko iginugol ang aking oras ay nakalimutan ko na kailangan ko din ang mag try ng mga bagay na nasa isip ko ngayon.
I think Jeff and I are not old enough to try those cozy stuffs.
Kinikilig ako while I keep thinking about those things.
“Hon what if we go travel the next day?” biglaang tanong ni Jeff sa akin.
“What? Travel where?” tanong ko naman sa kaniya.