Chapter 2 CHILDHOOD FRIENDS

1047 Words
“Akin na iyan! Ano ba, Jeff? Ibalik mo sa akin yan, isusumbong kita kay teacher!” ito ang sinabi ko kay Jeff. Isang pangyayari sa alaala ko habang nakapikit ang mga mata ko. Ang alaala ng aming kabataan. Ako si Lesley Dela Rama isang batang babaeng chinita. Panganay sa limang magkakapatid. Payak ang pamumuhay kasama ng mga magulang na may munting negosyo ng mga gulay sa palengke. “Ayoko! Ang sabi mo kapag natalo ka, akin na?” ang sabi ni Jeff Montemayor. Ang aking asawang alaskador ngunit malambing kong kaibigan noong maliliit pa kami. Siya naman ay bunso sa tatlong magkakapatid. Ang tanging lalaking anak ng pamilya. “Sige! ‘Pag hindi mo binalik sa akin yan, susuntukin kita!” ganito ako katapang noong bata ako. Kaya ko makipagbasag-ulo sa mga kaklase ko. Tawa ng tawa naman itong makulit na si Jeff. Maya-maya ay bumuhos na ang luha mula sa mga mata ko habang nilakasan lalo ang pag-iyak. Nataranta si Jeff sa takot na maririnig ng teacher namin na umiiyak ako. Tiyak na siya ang mapagagalitan, dahil siya itong madalas na nahuhuling nang-aasar sa akin. “O! Heto na sa iyo na ulit. Binibiro ka lang lagi kang pikon.” Inabot ni Jeff ang pogs ng hunter X sa akin. Mahilig ako maglaro ng laro na pang lalaki. Masaya kaming tingnan na sa kabila ng asaran at iyakan ay nagagawang magpaubaya ng mga bagay-bagay. Tuwing uwian ay magkasama din kami na lumabas sa classroom. Parang walang nangyari at bati na naman kami. Masaya kami na nag-uunahan kasama ang iba pang mga kamag –aral na makarating sa gate dahil nandoon ang mga sundo na naghihintay. Naunang umakyat si Jeff sa traysikel. Sumunod naman ako. Nagtatawanan kami habang nag-uusap sa loob ng traysikel. Kay gandang pagmasdan ng mga batang walang ka muwang-muwang sa mundo. Umandar ang traysikel. Kumakanta itong si Jeff ng kanta na nilumaan na ng panahon dahil ito ang tumutugtog sa radyo ni mang Andres na nasa kaniyang traysikel. “Anong kanta ba naman yan, araw-araw ko na lang talaga naririnig. Paborito niyo ni mang Andres.” Sinusuya ko itong si Jeff dahil nga naman sa edad niya ay nakahiligan ang pang matandang awitin. “Jeff nandito na tayo sa inyo.” iyon ang sabi ni Mang Andres kay Jeff. Ang lumang bahay nina Jeff ay yari sa kahoy na mayroong dalawang palapag. Mayroong terasa kung saan madalas naroroon ang mama niya naghihintay tuwing siya ay darating galing eskwela. Bahay pa iyon ng kaniyang Lolo at lola. Tumigil ang traysikel. Noong pababa na si Jeff ng traysikel, muntikan na itong masubsob dahil ibinara ko ang mga paa ko sa daanan ni Jeff. Humalakhak ako. Napaka pilyang bata ba para gawin iyon sa kaniya. “Sabi ko na sa’yo!” umiirap ang mga mata ko habang nakahalukibkib sa upuan ng traysikel. “Makakabawi ako!” ang sabi ni Jeff sa akin. Tumataas ang kilay niya habang nakatingin sa akin. “Bleh!” ang tukso ko sa kanya. Tumawa ako ng malakas dahil pakiramdam ko ay nakaganti na ako sa pang –aasar niya sa akin kanina sa school. “HUMANDA KA!” pabantang sambit naman ng batang si Jeff. “Iiyak ka ulit. Lagi kang iiyak, bleh ka din!” iyon naman ang sinabi ni Jeff sa akin. “Boooo! Di na ako iiyak haha.” sagot ko naman. Madalas ay ganito kaming dalawa mag away. Kahit na ganito ang nakagawian namin sa araw araw na magkasama, ay lalong naging komportable kaming dalawa sa isa’t-isa. Madalas na nililibre ako niya ako ng pagkain tuwing recess time namin sa school. O di naman ay pinadadalhan ako ng mama niya ng baon na katulad din ng sa kaniya. Naging kapatid na ang turing namin sa isa’t-isa, marahil ay dahil sa wala akong kapatid na lalaki, at si Earl naman ay puro babae ang mga kapatid. Ang mga araw na magkasama kami sa eskwela ay ang pinakamagagandang araw ng buhay ko noong bata ako. Kaya nga naman ay naging ultimate crush ko itong asawa ko mula noon. Wala kasi akong ibang kalaro. Kinalaunan noong magtatapos kami ng elementarya ay biglang nag desisyon si Mommy Elisa, ina ni Jeff. Lumipat sila ng Maynila dahil nakabili ng bahay at lupa ang kanilang pamilya. Doon nagtatrabaho ang daddy ni Jeff na isang Engineer sa isang malaking builders company. Nais nang mga magulang ni Jeff na doon na pumirme. Sa dahilang doon na din nag-aaral ang mga nakatatandang mga kapatid niyang babae. Ang panganay ay nag-aaral ng architecture, samantalang ang sumunod naman ay nag-aaral ng physical therapy. Pinagpala. Ito ang pinakamagandang salitang nababagay ilarawan kay Jeff. Ipinanganak sa pamilyang may magandang pamumuhay. SAMANTALA ako naman ay isang masuwerteng bata. Pinalaki ng mga magulang na responsable dahil kinailangan kong tingnan ang kapakanan ng mga kapatid ko bilang katuwang ng mga magulang ko sa buhay. Kaya naman, nagsumikap akong mkapagtapos ng pag-aaral. Mabuti na lang talaga at biniyayaan ako ng katalinuhan. Nakapagtapos ng kursong Tourism at nakarating sa kung saan saan. Ang pinakahuling bansang narating ko kung saan ako nagtagal ay ang Dubai isa akong Fitness Gym receptionist doon. Maganda ang trabaho ko, sapat ang kinikita dahil natutustusan ko ang pag-aaral ng mga kapatid ko. Napagtapos ko silang apat sa loob ng anim na taong pagtatrabaho ko doon. Ngayong nakapag asawa na ako ay pagkakataon ko naman na pasayahin ang sarili ko. Ang bumuo ng pamilyang pangarap ko at makasama itong asawa ko. Lumipas ang dalawang oras at nagising na ako. Nahihilo pa ako, naramdaman kong kailangan ko umiihi. Bumalikwas ako at bumangon ng dahan- dahan. Bukas ang lampshade at nakaupo si Jeff sa upuang nasa gilid nito. Napansin ako ng asawa ko habang abala siya sa cellphone niya na mayroong pinanonood. Tiningnan niya ako. Ako naman itong hilo ay tumayo at naglakad patungong banyo. Ang bigat ng pantog ko. Maya-maya ay bumalik ako sa kama. Busy ba ang asawa ko sa cellphone niya? Ganito ba ang first night ng bagong kasal? Di pa nga lumalapat ang labi niya sa pisngi ko. O baka naman tapos na kami? Subalit ay wala namang masakit sa katawan ko maliban lang sa hilo ng ulo ko. Lumapit ako sa kaniya. Hinawakan ko siya sa kamay at ngumiti habang nakatingin sa kaniyang mga matang nambibihag sa aking p********e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD