CHAPTER 01
Jette Castro
Send nudes.
Muntik ko ng batukan ang katabing si Alfer dahil sa walang kuwentang chat niya sa ’kin. “Baliw,” natatawang saad ko. I quit his message and continued playing. Patawa-tawa naman siyang umiling.
“Layla, push!” My forehead creased. Mabilis ang pindot ko sa keyboard habang sinusugod ang kalaban sa paborito kong online game. “Sino ba ’yang si, Layla? Ang bobo naman!” Napakamot ako sa ulo nang mamatay ang character ko.
“Baguhan siguro,” sagot ni Alfer sa tabi.
“Tss,” singhal ko at ngumuso. “Sabihin mo huwag na lang siyang maglaro. Cancer!”
“Hoy, Jette! Nasa computer shop ka na naman?” Napabaling ako sa likuran nang umalingawngaw ang sigaw ni Jonas, dating kaklase ko na Señior High na ngayon. “Sabi ni Abi, may quiz daw kayo ngayon kay Sir Abeno. ‘Di ba galit ‘yon sa ‘yo last year pa?”
Mariin kong naipikit ang mata nang maalala ang matandang byudo naming guro sa Math. Sa tuwing nagkikita kami, saulo ko na ang mga paulit-ulit niyang sinasabi sa ‘kin. “Castro, mag-aral ka naman nang mabuti at nagsasawa na ako sa pagmumukha mo.”
Tss. Hindi niya alam na mas nakakaumay ang mukha niya.
“Oo nga, Jette. Sabi pa naman niya kahapon, isang absent mo pa e-da-drop out ka na niya,” segunda pa ni Alfred.
Ngumiwi lang ako at nagpatuloy sa paglalaro. “Hindi niya magagawa ‘yon,” walang pakialam kong sambit. Ngunit habang naglalaro ay na-imagine ko ang pagmumukha ng byudo. Maaring totohanin niya ang banta sa ‘kin. Last year siya rin ang nag-drop out sa ‘kin kaya bumalik ako ng Grade Ten.
Nang matapos ang laro ay agad akong tumayo sa kinauupuan. Tinanggal ko ang suot na headphones at isinukbit ang backpack sa balikat.
“Saan ka?” Tumingala si Alfred sa ‘kin. Tiningnan ko ang suot na relo at nakitang may isang period pa bago ang klase ni byudo.
“Sibat muna ‘ko,” paalam ko sabay takbo pabalik ng campus. Naubos ang pera ko sa computer shop kaya nag-one two three na lang ako sa jeep.
“Ang aga mo yata ngayon, Castro?” sarkastikong ani ng guwardiya. Kilala na ako ng school guard dahil suki niya akong hulihin at ipadala sa guidance.
“Oo nga po, eh,” sarkastikong sagot ko rin. Mukhang nagdadalawang isip pa siya kung papapasokin niya ako o hindi.
Ito naman, parang hindi alam na marunong akong umakyat ng bakod.
“Sige na, Guard! Papasukin mo na ‘ko, papasok ako sa klase ni Mr. Abeno kaya sige na. Alam mo naman ‘yon, pagagalitan ako no’n! Posibleng e-dropout pa ako.” Mukhang naawa naman sa ‘kin ang guwardiya kaya pinapasok niya ‘ko.
“Last na ‘to, ah!” istriktong saad niya. Ngumisi ako at hinawakan ang magkabilang strap ng backpack.
“Sa uulitin!” Tumakbo ako upang makahabol sa klase ni Mr. Abeno. Medyo malayo pa naman ang classroom namin mula sa main gate. Mabuti na lang pagdating ko ay nagkaklase pa ang teacher namin sa Science.
Nakatalikod siya at may sinusulat sa blackboard kaya nag-ninja moves na ako. Yumuko ako at pagapang na pumasok sa loob ng room namin.
Nakita ako ng mga kaklaseng nakaupo sa likuran kaya sinamaan ko sila ng tingin, sinenyasan ko sila na manahimik. Wala namang nangahas na magsumbong dahil kilala nila ang reputasyon ko sa paaralan na ‘to. Habang gumagapang sa likuran papuntang upuan ay nagpipigil ng tawa ang mga kaklase ko.
Sakto namang bumaling ang Science teacher namin kaya mas lalo pa akong yumuko at nagtago sa likod ng mataba kong kaklase.
“What’s funny?” tanong niya sa mga kaklase kong nagpipigil ng tawa. Maging ako rin ay natawa na. “Ano’ng nakakatawa, Class?” ulit niya.
“W-wala po, Ma’am,” sagot ng isa kong barkada. Tumango ako sa kanya at binigyan siya ng approve sign. Kita ko pa ang pag-iling ng Science teacher namin bago muling bumaling sa blackboard. Tumawa ako at agad na umupo sa upuan na para sa ‘kin, katabi ko pa si Leo na isang lampa sa school namin.
“Hoy, ano’ng activity sa Science?” tanong ko sa kanya. Tinukod ko ang paa sa sandalan ng kaklase kong nasa harapan. Kita ko ang pagpasada ng tingin ni Leo roon kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Pangit, ano na?” iritado kong tanong.
“Wala naman, nag-copy lang tayo,” seryosong sagot niya.
“Kopyahin mo lahat ‘yan nang maayos, kapag tapos ka na itong notebook ko naman ang lagyan mo ng notes.” Kinuha ko ang notebook sa bag at nilapag sa mesa niya. Mukhang may balak siyang umangal kaya inunahan ko na. “Bakit may problema ka?” Tinaasan ko siya ng kilay.
Umiling lang siya at kinuha na ang notebook ko na halos sulat kamay niya ang laman. Ang hilig talaga magpakopya ng Science teacher namin, akala naman niya ikatatalino ng mga estudyante. Sakit at kalyo sa kamay lang naman nakukuha namin.
Natapos ang klase sa Science na hindi ako napapansin o piniling hindi pansinin ng teacher namin. Ayaw ko mang pumasok sa sunod na klase kaya lang kailangan. Baka ikamatay ko na ‘pag bumalik pa ulit ako sa baitang na ‘to.
“Oh, himala at nandito ka Mr. Castro? Akala ko kasi lumipat ka na ng classroom sa computer shop.” Kapapasok niya pa lang ako na agad ang napuna niya. Ayos din ‘to, eh, ‘no?
“Pumasok ako kasi gustong-gusto ko ‘yung klase mo, Sir!” sarkastikong sagot ko. Nagtawanan ang mga kaklase ko sa ‘kin. Umismid ang guro bago umupo sa teacher’s table.
“Caballero?”
“Present!”
“Castro?”
“Sir, present na present!” pabibo kong sagot nang mag-roll call kami.
“Yabang, kahit ilang present pa ang sabihin mo o anong taas ng energy mo, hindi magbabago ang walang kulay mong attendance.” Ngumiwi lang ako sa sinabi niya. Importante may attendance, ‘yon na ‘yon.
At gaya ng inaasahan ko, wala akong naintindihan kahit na isa sa mga discussion niyang nakakaantok. Kung hindi ko lang alam na babatuhin niya ako ng eraser kanina pa ako natulog. Sobrang tagal ng discussion, tinalo niya pa ang pari sa pagmimisa.
Kanina pa ako napapatingin sa suot na relo dahil bente minutos na siyang lagpas sa time. Lunch break na at kanina pa daan nang daan ang mga taga-ibang section.
Natatawa na lang ako sa tuwing napapabaling sa kaklase kong si Jayve. Sinulatan niya ng marker ang big notebook ng “Sir, time na!” Tinataas niya ito sa tuwing nakaharap ang guro sa pisara, tinatago naman ‘pag humaharap sa ‘min ang biyudo. Lahat kami ay natatawa na lang sa kalokohan niya.
Nagrereklamo na ang mga kaklase ko sa gutom ngunit walang may balak na maglakas loob upang magsalita. Inayos ko ang backpack at balak na lang sana na mag-cutting. Nakatayo na ako nang itaas niya ang kamay upang makausap si Sir.
“Sir, excuse me,” aniya sa mahinhin na boses. Akala mo ay hindi makabasag pinggan.
Bumaling ang guro sa ‘min at una niya akong tiningnan dahil nakatayo ako. “Bakit ka nakatayo, Mr. Castro?” Umiling ako at dali-daling umupo.
“Wala po.”
“What do you need, Ms. Sy?” Tumayo si Ms. Perfectionist. ‘Yon ang palihim na tawag sa kanya ng mga tao rito. May katangkaran, maputi ang balat, chinita, masungit, elegante, at higit sa lahat. . . matalino.
“Mabuti naman tumayo na si, Claudine,” bulong ng isa kong kaklase.
“I’m sorry to interrupt your class, Sir, but I guess we have to stop already. We only have thirty-five minutes left for our lunch break.” Napatingin ang guro namin sa relo niya at mukhang ngayon niya lang na-realize na sobra na siya sa oras.
“Oh, I’m sorry. I forgot the time. Thank you for reminding me, Ms. Sy.” Claudine smiled nicely before going back to her seat.
Marami naman ang napahinga nang maluwag nang magsimulang magligpit ng gamit ang teacher namin.
“Ito na muna ang discussion natin, let’s call it a day. Goodbye, class.”
“Goodbye, Mr. Abeno!”
I looked at her and smiled sheepishly. Siya lang ang nakakagawa niyon.