Cacia’s POV “Hanggang dito na lang kita maihahatid, Ma’am Cacia. Ayoko na pong pumasok sa loob,” sabi ni Ate Pila nang makarating na kami dito sa harap ng pinto ng kuwarto ni Zelan. Ang laki-laki talaga ng takot nila sa amo nilang masama ang ugali. Sa lahat naman ng taong may sakit, natatangi itong si Zelan na hindi nagpapaalaga. Hindi ba niya alam na mainam o masarap na may nag-aalaga kapag may sakit ka? “Okay, salamat, Ate Pila. Puwede mo na akong iwan dito, ako nang bahala sa kaniya,” sagot ko sa kaniya. Binaba niya ang batcha sa ibaba at saka na ito umalis. Naiwan na akong mag-isa dito. Nang ako na lang ang mag-isa dito, napabuntong-hininga na ako. Kinakabahan na rin talaga ako pero bahala na. I knocked on his door five times to signal that I was going to enter her room. Hindi na ak

