Cacia’s POV Pumunta kami ni Mama Zobel sa Marina Bay Sands. Ang ganda dito, grabe. Sabi ni Mama Zobel, Kilala ito sa kanyang iconic na rooftop infinity pool na nagbibigay ng kamangha-manghang tanawin ng lungsod. Mayroon din itong mga luxury shops, restawran, at mga atraksyon sa paligid. Siyempre, hindi nakaligtas ang mga mamahaling shop doon. Namili na naman kami ng mga damit, bags at kung ano-ano pa kaya napagastos na naman tuloy siya kahit na wala naman akong gustong ipabili. Sobrang ganda rin sa Gardens by the Bay. Ngangang-nganga ako pagdating palang doon. Isa rin itong sikat na kahanga-hangang lugar dito sa Singapore na puno ng mga supertrees, conservatories. Hindi namin pinalampas ang night light show sa Supertree Grove. Nagtagal tuloy kami dito kasi nakita ni Mama Zobel na sobra

