Cacia’s POV Lahat kami ay napatingin sa mag-inang halatang-halata na yayamanin. Pati mga bisita ay napatingin din sa kanila. Agaw-pansin kasi ang magarang suot ni Mama Zobel. Talagang fashionista ito. Si Zelan, seryoso lang at halos hindi tumitingin sa mga tao. Sa akin lang siya nakatingin na para bang alam ko na kung anong tumatakbo sa isip niya. Malamang sa malamang ay wala siya sa mood kasi hinila siya ng mama niya papunta dito. “Magtatampo na ako sa iyo, Ija. Bakit hindi mo manlang ako inimbita? May birthday pala dito sa bahay ninyo,” sabi ni Mama Zobel paglapit sa akin. Bineso niya ako sa pisngi ko. Si Zelan naman kalmado lang na lumapit sa akin tapos saka ako hinalikan sa labi ko. Himala, may pag-acting din talaga siya kapag nasa harap ng ibang tao. Hinalikan niya lang ako para sa

