Cacia’s POV Hindi ko alam kung anong nangyari. Pagkagising ko, nandito na ako sa magarang room ng ospital na ‘to. Si Mama Zobel ang unang bumungad sa akin. Teka, siya ba ang nagdala sa akin dito? Nasaan si Zelan? “Thank, God, gising ka na, Cacia,” sabi ni Mama Zobel nang makitang nakadilat na ang mga mata ko. Hinawakan niya ang kamay ko saka ako niyakap. “What happen, Mama Zobel? Bakit po tayo nandito sa ospital?” tanong ko naman agad sa kaniya. “Napakawalangya ni Zelan. Hindi ako makapaniwala na hinayaan ka niyang matulog sa labas ng bahay ninyo habang malakas ang ulan,” sagot niya kaya nagulat ako. Lagot na, tiyak na lalong magagalit sa akin ngayon si Zelan dahil nalaman pa pala ni Mama ang nangyari sa akin. Pero paano kaya nalaman ito ni Mama Zobel? Nagsumbong kaya sa kaniya ang mga

