His Dad wanted to invest sa YG Entertainment at nais nitong siya ang kumatawan sa mga transactions nito. At dahil no choice nga siya ay susunod nalamang siya. Business orriented ang family niya kaya nga hindi na siya nagkaroon pa ng kapatid si Lindsay lamang ang maituturing niyang kapatid.
Papasok na sila sa lobby ng building ng mamataan niya ang mga empleyado nang naturang kumpanya. Sa di kalayuan ay tila nabighani siya sa kagandahan ng isang dalaga.
"Yung babae sa bar" kung ganun dito siya nagtatrabaho. At puntong iyon ay tila ang saya saya niya ng araw na iyon.
Mapapalapit na siya sa dalaga at magkakaroon sya ng pagkakataon na makasama at makilala ito ng lubusan. Kaya naman agad agad siyang humingi ng office kung saan siya dapat magtrabaho.
"Ikaw ba talaga to Gio?" tanong niya sa isip. Maraming dalagang nagkakandarapa sa kanya ngunit ito lang ang nakakuha sa kanyang attensyon. Marahil ay napapanahon na para sumaya naman siya. At pumason na nga sila sa isang Conference Room at doon ay nag meeting kasama ng mga board members. Maya maya pa ay natapos na rin sila napagkasunduan ng lahat na magakakaroon sya ng office sa kumpanyanv iyon. Tila may kakaibang saya syang nararamdam tuwing nasusulyapan ang dalaga.
Lumabas sya sandali upang magpahangin samantala namataan niya ang dalaga na naglalakad sa hallway. Tinitigan niya ito na tila isang diyosa sa kanyang paningin. Biglang napasulyap sa kanya ang dalaga at binati siya nito "Magandang araw Mr.Thompson" tugon nito sa kanya na parang blangko ang emosyon ng mukha. May hawak itong mga papeles at tila humahangos. "Magandang araw Ms.---?" tugon niya ano nga bang pangalan nito ni hindi manlamang niya ito matanong.
Natapos ang buong araw at naging maayos ang meeting niya sa YG Entertainment mukhang magiging masaya at magiging makulay ang mga susunod na araw niya sa Kumpanyang iyon.
Disedido syang malaman ang pangalan nito at makilala ng lubusan dahil sa maikling panahong iyon ay nahulog na nga ang loob niya dito. Ngayon lamang sya nakaramdam ng ganoon sa isang dalaga 29 na nga siya subalit ni minsan ay hindi siya nagkagusto kanino man. Arranged marriage ang iginigiit ng kanyang magulang dahil sa kumpanya.