Kanina pa nakatitig sa kanya sa Mr. Thompson at naasiwa siya sa mga titig nitong para bang hinuhubaran na siya nito. "Hindi ako cheap!" pagsaway niya sa sarili. "Oo perfect man nga sya para sa mga babae pero hindi ako lalapit sa kanya!" pagmamatigas niya sa sarili na pero taliwas sa nararamdaman niya.
Gwapo ito matikas ang pangangatawan, mabango at tila lahat ng makakita dito ay nagniningning ang mga mata. Hindi siya nagpahuli ng tingin dito at dalidali iniiwas ang mga mata. Ayon sa mga sabi sabi mapili daw ito sa mga babae kahit ang arranged marriage ay hindi nito pinansin.Kaya sino ba naman siya para maakit sa isang tulad niyang hamak na empleyado at simpleng tao lamang. Bumalik na nga siya sa ginagawa ng biglang..
- "Hi Rhein, Hindi ba sa YG Entertainment ka? wika nya rito.
"Yes Sir, also I'm in-charge sa script of the artists. We have appointments every day kaya mas marami akong time outside the office." Bakit tila may namumuong saya sa pagtao niya. Ilang buwan lamang matapos ang breakup nila ng kasintahan niya. Hindi siya makatingin sa maamong mukha na nito dahil sa pakiramdam na pati siya ay mahulog ang loob sa binata. Matangos ang ilong nito na ang mga mata na tila nag aanyaya at mga labing tila kaysarap halikan.
"hoy, Rhein! Kelan ka pa naging erotic ang pag iisip?" pananaway niya sa sarili. Tila kinilabutan siya sa timuran niya para sa Boss niya.
"-sige Sir may aasikasuhin pa po ako good day Sir!" paalam niya sa Boss bago pa may pa siya kiligin dito. Naramdaman niya and kamay nito sa siko niya at parang may kakaibang kuryenteng dumaloy sa katawan niya. "S-sir? May kailangan pa po ba kayo?" Tumaas ang tono ng boses niya na tila nagulat naasiwa siya bakit ganito ito sa kanya lahat ba ng mga empleyado nito ay ganoon na lamang ang turing sa kanila? May pagkadismaya siyang tumitig dito. "Ah may ipapagawa sana ako sayo tomorrow sa office ko." tugon nito sa kanya sa tonong may pagpahiya dahil sa titig niyang tila naiinis. Sinagot na lamang niya ito upang matapos na ang pag uusap nila. Tila hindi siya kumportable dito habang nakatitig ito sa kanya.
"-Okay Sir tomorrow po, mag cancel sched nalang po ako for tomorrow's appointment" wika niya na bahagyang tumingin sa binata.
"okay Im sorry sa inasal ko. See you tomorrow" paghingi nito ng paumanhin sa tinuran nito. Teka bakit parang kilala niya ito o nagkita na sila. Bakit parang may kakaiba siyang nararamdaman? Sino ito nagkita na ba kami saan at kailan?
Nasa YG Entertainment na nga siya ng biglang may tumapik sa balikat niya ang kaibigang si Liah
"Hi! Kumusta ang lakad mo today?" tanong nito sa kanya na nakangiti. Masiyahin ito na tila may bago nanaman itong iku-kwento sa kanya.
"Okay naman, may weird feeling lang at take note nandoon si Sir Gio" wika niya sa kaibigan.
"Talaga! Sayang sumama sana ako sayo kundi lamang ako busy sa ginagawa ko ngayon". Kinikilig na turan nito sa kanya.
"Nothing special naman at eto pa gusto niya akong pumunta sa smoffice niya tomorrow. Kinakabahan ako girl!" pagku-kwento niya sa kaibigan na tila hindi kumportableng makasalamuha ang Boss nila.
"Sa tingin ko mabait naman siya kaya mo yan hindi ka naman siguro nun parurusahan. Maliban na lamang kung sa iba ka parusahan hmmm..!" pabirong tugon nito sa kanyan na tila nangungutya pa nga.
"May pagka weird si Sir Thomson" bulong niya sa kaibigan upang walang makarinig sa kanila.
"Naasiwa ako sa titig niya tila nahuhubaran na ako kanina at kinapitan pa ako sa siko!" pagkukwento niya.
"Girl sa tingin ko may gusto siya sayo! Wag mo kaming kakalimutan bila bridesmaid!" kilig na kilig ang kaibigan na parang sigurado na sa mga mangyayari.
"Head over heels kami, napaka imposible!" asar na tugon niya.
"Diyan ka na nga marami pa akong tinatapos!" sabay pasok niya sa department nila.
"Girl Im rooting for you, andito lang kami tagasuporta mo..fighting!!" sumungaw pa nga ang ulo nito sa pinto na nakangiti. Habang ang mga kasama niya ay nakatingin sa kanya.
"Wag niyo na lamang pansinin" biro niya.
Habang nasa harap ng computer at nav eedit ng scripts ay bigla nanaman pumasok sa isip niya kung saan nga ba sila nagkita ni Mr. Thompson. Parang nakita na niya ito hindi lamang niya maalala. Hmmm..tigilan na nga "focus Rhein trabaho muna!" saway niya sa sarili. Dali dali niyang inayos ang mga paperworks at ini-edit na nga ang mga ito. Kailangan na niya itong matapos ngayon dahil dadalahin niya ito sa set may bago kasing teleserye na siya ang naka assign sa scripts. Sa loob ng limang taon niya sa kumpanya ay tila kampante naman siya sa pagtatrabaho lalo na anmt mababait at professionals kung maituturing niya. Bihira sa isang kumpanya ang ganitong team kaya naman napakaswerte niya pagdating sa trabaho.
Pamaya maya pa'y hindi na niya namalayan na gabi na rin pala at malapit na niyang matapos ang isang episode ng teleserye. Passionate employee siya kaya naman isa na siyang maituturing na batikan sa larangan ng pag e-edit. Tila kasama na sa pang araw araw nita iyon at masaya naman siya dahil tuwing makikita niya ang mga nagawa niya'y sobrang galak ang puso niya. Lalo na kapang napapanood niya ito sa telebisyon at nangunguna sa rating ay tuwang tuwa siya.. Isa rin siyang fan sa mga teleserye at iyon ang isa sa mga libangan niya pag nasa bahay lamang siya. Mahilig siya magbasa ng libro at kung ano ano pa maliban sa social media. Lumalabas lamang siya kapag naboboring na siya sa loob ng bahay.
"Rhein let's go! Sabay sabay na tayong magdinner!" boses ni Abby sa bungad ng pinto. Kumpleto sila ngaun pare pareho silang walang Official Business sa labas kaya naman natuwa siya nang masulayam ang mga ito. Dali-dali niyang inayos ang mga nasa mesa niya at nanalamin para tignan kung okay pa ba ang make-up niya. Nag retouch lamang siya ng lipstick at kinuha ang bag para tumayo. Masaya sila lumabas nga gusali at nag decide kung saan sila kakain.