Chapter 9 “Kapag malapit nang maging bampira ang isang tao maraming bagay ang maaring pumasok sa isip nila. Ang sinabi mong masayang pagsasamahan ninyo ay masisira sa isip ng isang taong nalalapit na maging bampira.” sabi ni Zico. “Kapag low vampires ang nakakagat sa isang tao ay may isang oras bago ito maging bampira. Ngunit kapag isang bampira na marami nang nabiktima ang nakakagat sa isang tao, segundo lang ay kakalat na ang lason sa buong katawan nito at magiging isa na ring bampira.” dagdag pa nito. Mahigpit na hinawakan ni Sayah ang mga kamay ng babae at pinisil ang mga iyon. Nakikita niya ang paghihirap sa mukha nito ang kalituhan. “Maaaring magbago ang ugali ng isang tao habang nasa proseso ang pagkalat ng lason sa katawan nito bago maging isang bampira.” sabi ni Zico “M-Mahal

