Chapter 41 “Kung ganoon ay isa si Zico sa mga seziro na tinutukoy mo, Piza?” tanong ni Sayah. Tumango si Piza at pagkatapos ay nagsalumbaba ito. Parang kay lalim ng iniisip. Nakakamangha, hindi na rin nakakapagtaka na mapabilang si Zico sa mga seziro dahil sa galing nito sa pakikipaglaban. Aura pa lang niya ay malalaman mo na hindi siya basta-bastang kalaban lamang. “Ngayon ko na lang muli narinig ang pangalan ng grupong iyan, Papa, ngunit marami silang natulungang mga nayon at nailigtas na mga nilalang dito sa lost world. Ang nakakalungkot nga lang ay nalagasan ng dalawang mababait na miyembro ang seziro.” Tahimik lamang na nakinig si Sayah sa usapan. Wala siyang masyadong alam tungkol sa seziro ito rin ang unang beses na narinig niya ang tungkol sa mga ito. Hindi na rin siya nagulat

