Chapter 15

2668 Words
Nagising ako sa ingay ng Alarm Clock ko. Napatingin ako sa orasan. Eksaktong alas singko na. Kahit pagod na pagod pa rin ang katawan ay nagawa ko parin ibangon ang sarili sa temptation ng kama. Pumasok ako sa banyo at naghilamos. Competition ngayon ni baby pat, kailangan mag-ayos na ako! Ipagluluto ko pa siya ng umagahan, ipagtitimpla ng gatas at pag-aayosan ng gamit. Nang lumabas na ako sa banyo, nakita ko si Ate Casey na may kausap sa smartphone niya. Yung boyfriend niya siguro, grabe kung makangiti e. Akala mo wala ng bukas. Nang napatingin siya sa gawi ko, agad ko siyang kinawayan. Ganon rin ang ginawa niya. Tahimik akong lumabas sa silid. Kinakabahan dahil ako lang mag isa sa hallway. Jusko! Sa susunod pag may balak kang lumabas mag-isa Agatha, kumuha ka ng makakasabay mo! Sino rin naman ang ipapasama ko? Si Arnold? Eh, galit-galitan pa nga ako sa kanya. Si Ate casey? Not a wise idea. Busy iyon sa lovelife niya. Napabuntong hininga nalang ako. Lakad takbo ang ginawa ko pababa ng second floor. Kung sino-sinong santos na ang tinawag ko. Pinagdarasal ang kaligtasan ko. Pinagdarasal na sana walang magpakita sa akin na multo o di kaya nakasunod sa akin. Kasi, promise! Aatakihin ako sa puso niyan! Buti nalang, gising na si Leah at Jave. Nadatnan ko sila sa sala na nag-aayos ng mga forms ng mga representatives. "oh? Ang aga mo naman magising, Aga" wika ni Jave. Natahimik siya saglit at tumawa. Napakunot ako sa noo sa ginawa niya. Ano na naman kaya ang naisip neto. "Lol, Aga, tapos Aga. The fudge?" wika ni Leah. Tumawa silang dalawa at nag apir pa. Ewan ko sa dalawang 'to may sapi yata. Ang sarap din nila batukan e. Bagay sila. Naiintindihan nila ang isa't-isa e.Ngumiti lang ako sa dalawa. "ipaghahanda ko pa si Baby Pat e." wika ko. Napanganga naman sila.Na para ba'y may nasabi akong di makapaniwala. Aba! Di ba sila naniniwala sa sinabi ko? Sa Mukha kong 'to? "Wow naman, hands-on na hands-on kay bakla ah." wika ni Leah. Ngumiti ako sa kanya. Syempre naman! Training ko narin ito para sa kinabukasan namin e! Wow. Dream on, Agatha. Wala e, tinamaan ang lola niyo sa baklang 'yun. "syempre naman! Maghanap pa nang iba e" pagbibiro ko pero half true. Di ko pa nga napapasaakin, baka may umagaw na. "Ay, iba. Bakit meron bang kayo?" pangangasar ni Jave. Agad ko siyang binato ng stapler na nakalagay sa lamesa, buti nalang nakaiwas. Asar e. "gago ka!" wika ko. "pikon naman." napanguso siya habang kinukuha ang stapler na nahulog sa sahig. Umirap nalang ako. Pikon na kung pikon! Kailangan talaga ipagmukha sa akin na walang Kami? Suntukin ko siya dyan e! "loko ka rin kasi, brad. Kita mong nag eeffort na si, Agatha e" wika ni Leah. Napakamot ng ulo si Jave. "Akala ko ba si Arnold ang sa kanya?" Eto talaga si Jave, kita naman biroan lang yung kahapon, sineryoso talaga. Napatingin ako kay Leah, ganon din siya sa akin. Sinenyalan ko siya na aalis na ako. Buti nalang at tumango. Kasi kung magtatagal pa ako dito, baka kung ano na ang masabi ni Jave na marinig ko pa. Kilala ko pa naman 'to, walang preno ang bibig. "Tss, maya ka nang magchismis dyan. Yung forms ng mga Feature writers na saan na?" "ha? Na kay Elsa yun e." Iniwan ko na silang dalawa sa living room. Dumeretso ako sa kitchen upang ipaghanda ng pagkain si Baby pat. Hays, ano naman kaya ang ihahanda ko sa kanya? Siguro naman, kahit papaano may laman ang ref nila o di kaya ang mga kitchen cabinets di ba? Isa-isa kong pinagbubuksan ang mga cabinets. Luckily, may mga rikados at pagkain naman doon na pwedeng mailuluto. Okay, Aga. Meron naman mga ingredients. Ano naman ang lulutuin mo? Hindi ka naman pwedeng magbake, masyado pang maaga para sa mga sweets. Di rin naman pwedeng desert. At anong klaseng umagahan naman? Ang common na rin ng hotdongs and eggs. Hmmm... "favorite food niya kaya?" tanong ko sa sarili. Favorite food?? Napangiti nalang ako nang may naalala. Agad ko pinalabas ang mga ingredients at nagsimula nang magluto. - *-*- "Baby pat!!" Kasalukuyan ko siyang niyuyog-yog. Alas sais y media na kasi. Kailangan niya nang magising. Alas otcho kaya magsisimula ang science writing! Di siya pwedeng malelate! Atsaka, lumalamig na ang sinigang na baboy na niluto ko para sa kanya! "arg.." winaksi niya ang kamay ko. Mas lalo siyang yumakap sa unan. Aba! Ayaw niya talagang magising ah! Agad ko siyang kiniliti sa kili-kili, pero wapakels lang sa kanya! Sinubukan ko sa paa niya, pero sinipa lang ako! Sinubukan ko ulit sa batok, pero pinalo ang kamay ko! Walangjo! Sinusubukan niya talaga ang pasensya ko. "baby pat, di na maganda itong ginagawa mo sa akin" mariin kong wika sa kanya. Kinuha niya ang unan niya habang nakapikit at tinakpan ang tenga. Aba! Bastosan tayo?! Marahas kong kinuha ang unan na pinantakip niya. Jusko! Tulog mantika si lolo! "Patrick Edward Lim! Gigising ka dyan o ako mismo ang gigising sayo?" tanong ko. Isa nalang baby pat, makakatikim ka na sa akin. "five minutes..." napalunok ako at napapikit ng mariin. Shet! Delikado talaga ang bedroom voice e! Natetempt akong huwag nalang siyang gisingin at pagmasdan nalang siyang natutulog. O di kaya ay nakawan siya ng halik! O s**t, di na maganda 'to! Pigilan mo ang sarili mo, Agatha! Pigilan mo! "Patrick Edward Lim!" "five....minutes" Napahinga nalang ako ng malalim. You leave me with no choice, Baby Pat. Labag man sa kalooban ko, pumunta ako sa Cr at nilagyan ng tubig ang tabo. Pasekreto akong nagdasal. Sana, di magalit si Baby Pat sa gagawin ko. Lumabas ako sa banyo at bumalik sa pwesto ko kanina. Okay, kaya mo yan! Tiwala lang! Para lang din ito sa kanya! Isa...Dalawa...Tatlo! "MARIA MERCEDES!--Aw!" mapakamot siya sa ulo niya ng nahulog ang tabo sa ulo niya. Napakagat ako sa ibabang labi. Omg, basa na siya. I. Really. Did. It! "G-gising ka na!" "ANONG GINAWA MO?!" sigaw niya sa akin. Omyghad! Tama nga ang sinabi nila. Pagtripan mo na ang lasing, huwag lang ang bagong gising. Napapikit ako. Galit siya. Galit siya sa akin! Malamang, sino ba ang hindi magagalit sa ginawa mo Agatha? Pwede namang gisingin mo siya sa mabuting paraan! Pero para naman ito sa kanya e! "b-baby pat--" "chupi!" nakasimangot siyang tumayo. Dumeretso siya sa banyo at padabog na isinarado ang pintuan. Napailing nalang ako. Naku! Napakainitin talaga ang ulo nang baklang yun! Agad akong lumapit sa maleta niya na kulay pink. Psh, ang girly talaga. Mas babae pa sa akin e! Hinanda ko ang mga susuotin niya. Pagsinabi kong hinanda, as in handa talaga. Mula sa boxer, pantalon at v-neck tee shirt. "Why are you still here?" may p********e niyang tanong. Nakalabas na pala siya sa banyo. At akalain niyo ba naman! Pangbabae kung makatapis! Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Kahit na may konting kembot ang paglalakad niya patungo sa akin, hindi mo mapapansin na bakla pala siya! Eh, ikaw ba naman biyayain ng ganyang manly look? Napakagat ako sa aking ibabang labi. The drops from his hair, flows through his skin. Bakit biglang uminit? Sa pagkakaalam ko, malamig naman dito sa baguio ah? Summer na ba? "L-labas muna ako." * baka kasi marape pa kita.* "Ihahanda ko lang yung pagkain mo. Baba ka agad, baby pat ha" Hindi ko na hinantay ang pagsagot niya dahil tumakbo na ako palabas ng kwarto niya. s**t. s**t. s**t! Kung magtatagal pa ako don, baka magawa ko kay baby pat ang ginawa ni Arnold sa akin! Pagkarating ko sa dinning area, nakita ko sina Henry na nag-aayos ng pinggan. "Gising na si Patricia, Aga?" tanong ni Leah habang inilalagay sa gilid ng plato ang mga kubyertos. Tumango ako. "oo, nagbibihis na." "ah. Umupo ka na" Tumango ako. Lima palang kami ang naririto. Ang iba kasi ay tulog pa rin hanggan ngayon. Di naman kasi sila Science Writing. "Aba, ang sarap naman ng sinigang ni Agatha, ah! May halong pagmamahal" pangbobola ni Leigh. Napairap nalang ako. Pwede niya naman sabihin na hihingi siya. Dinaan niya pa sa bola. "oo na, pwede na kayo kumuha" walang gana kong ani. "yes!" sabay nilang wika, na para ba'y nanalo sa lotto o di kaya ay sinagot nang nililigawan nila. "kaya mahal na mahal ka namin, Agatha e!" wika ni Cyrus. "Geh, bola pa" irap ko. "Aray!" napahawak ako sa aking tagiliran ng bigla itong kinurot ni ate Casey. Isa rin 'to e. "Grabeng paghahanda naman 'yan." wika niya. Hilaw akong ngumiti sa kanya. ANO BA KASING MALI SA GINAWA KO?! BAKIT AKO TINUTUKSO? Napasimangot nalang ako at pinaglaruan ang mga kubyertos. Ang tagal naman ni baby pat. Ano pa ba ang ginagawa niya doon? Nagpupulbo? Naglilipstick? Nagpapabango? Kung tutuosin mas babae pa siya kung umayos e. Para hindi ako mainip, pinaglaruan ko nalang ang hibla ng aking buhok. May lahing pagong yata ang baklang 'yun e. "What's happening here?" napatingin ako sa pintuan kung saan nakatayo si Baby Pat. Napairap ako. Bakit kulay Pink na ang tee shirt niya? Sa pagkakaalam ko, kulay grey ang hinanda ko sa kanya! "o? Nandyan ka na pala!" "ay hinde, double ganger ko lang 'to" "katawa pre." sabay tapik ni Henry sa balikat ni Baby pat. At ang bruha! Hinawakan pa talaga ang kamay ni Henry! Landi talaga e. "umupo ka na sa tabi ni Aga. Siya pa naman ang naghanda nito para sa'yo" Napatingin siya sa gawi ko. Winagayway ko ang aking kamay at ngumiti sa kanya. Samantalang siya, ay mukhang pinagbagsakan kang langit at lupa. Oh, I know you don't like me baby pat. But the universe agree to us and you can't do anything with that. Nang maupo na siya sa tabi ko. Ginawa ko na ang aking trabaho. Pinaglagyan ng kanin at ulam ang plato niya. "ang sweet naman" wika ni Leigh. "inggit ka? Lagyan rin kita" singit ni Henry. Umismid ako. "salamat, girl" wika ni Baby pat pagkatapos ko siyang pagsilbihan. Ngumiti ako sa kanya. "I love you too" "tss. Bingi" Napailing nalang ako at nagsimula na rin paglagyan ang aking plato. This will be a long day. --- "The program will be about to start in 5 minutes." Omg, magsisimula na! Makakaya kayo 'to ni baby pat? Di kaya siya mamemental block mamaya? O di kaya ay hihimatayin sa kaba? O madistract man lang? Omg. Bakit parang ako yata ang kinakabahan kaysa sa kanya? "hoy! Agatha! Mukha ka nang matatae dyan" asar ni Jave sa akin. Umirap ako sa kanya. Eh, kinakabahan naman talaga ako! Feeling ko ako pa ang icocompete eh! Naglakad ako patungo sa kinaroroonan ni baby pat. Masaya siyang nakikipagkwentohan kay ate Casey, na akala mo ay walang competition ngayon. "B-baby pat." tawag ko sa kanya. Napatingala siya sa akin. Tumabi ako sa kanya at umupo rin. "tubig o. Baka kasi kinakabahan ka na dyan!" pagbibiro ko sabay lahad ng bottle. Tinaasan niya ako ng kilay. "no, di ako kinakabahan. But, thanks sa water. I'm so uhaw na kanina pa. Feel ko hihinatayin ako" wika niya. "pasalamat ka nandito ako" pagbibiro ko. "yeah right" aniya sabay ismid. Parang tanga 'to. Nagpapasalamat na ayaw. Sarap batukan e. Sasabihin ko sana sa kanya na maswerte siya kasi nandito ako, kaso bigla nalang sila tinawag at pinapasok sa isang silid, kung saan gaganapin ang contest. "Baby pat!!" sigaw ko nang di pa siya nakakapasok. Napalingon siya sa gawi ko. As to my suprise, he didn't raise his eyebrow like he used to do. "Galingan mo! Fighting" inirapan niya lang ako bago pumasok sa silid. Alam kong kaya mo. May tiwala ako sayo. ---- "kabanas!" napatingin ako kay ate Leah. Padabog siyang umupo sa upuan. Kanina pa tapos ang competition nila baby Pat, pero di pa rin sila pinapalabas. Mamaya pa daw. Sa ngayon, hinihintay nalang namin ang resulta ng competition. "Biyernes santo ka yata?" tanong ko sa kanya. Sa totoo niyan, kanina pa ako naiinip sa kakahintay kay Baby pat. Pero, hindk ako napagod. Sanay na ako e. "may daya yata, e!" wika niya. Napakunot ako sa aking noo. Daya? Paano niya naman nasabi? "ha? Mukhang wala naman..." ani ko. Napatingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Oh? May nasabi ba akong mali? "Bakit, Aga? May alam ka ba sa sistema dito? Wala di ba?" Napalunok ako. I wan't to speak, pero parang nagdikit ang aking mga labi. Totoo naman e, wala akong alam. "hoy, Leah! Huwag mo nga tarayan si Aga!" wika ni Jave na kanina patahimik. "Tss!" padabog niya pinalo ang desk. "Magkano kaya ang binayad ng Vilama University? 10,000? 50,000? Tangina! Hindi kaya natatalo si Patricia kung sulatan ang pinag-uusapan!" "Ha?! Si baby pat... Ano?" tanong ko. Napatingin si Jave sa akin. Halata sa mukha niya ang kalungkutan. "Rank 2 si Patrick ngayon sa Science Writing. Pero, maganda naman ang works niya." "kaya nga e. Ang paksa kasi ay 'Does love is also part of Science?' Maganda naman e... Pero, di ko alam.." "mukhang ma didisapoint yung baklang yun" Walang pag aalinlangan ay tumayo ako galing sa pagkakaupo at tumakbo. Kailangan kong puntahan si Baby Pat. Kailangan niya ako ngayon. Alam ko kung gaano ka importante sa kanya ang pagsusulat. Alam ko. Dahil kasama niya ako sa paglalakbay niya. Nang nakarating ako sa silid, mabuti nalang ay lumalabas na ang mga taong naroroon. Hinintay ko lang siya na makalabas. Alam kong alam niya na ang resulta. "congrats, Lili! Nanalo ka ah!" napatingin ako sa grupo ng kababaihan. Masaya silang nagtutuksuan, habang ang babaeng maiksi ang buhok ay nakangiti ng husto. She must be Lili. She must be the one who stole my baby pat's place! Susugurin ko sana siya, kaso naalala kong ayaw nga pala ni baby pat na gumawa ako ng eskandalo. Baka mapalayas pa ako dito sa baguio, wala sa oras. Huwag nalang! She's not worth it anyway. Muli ako napatingin sa pintuan. And now, I saw him. Mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa. His eyes were full of disappointment. And I can't prevent myself for not to felt hurt. Nasasaktan ako. Sobra. Seeing him like that, makes me hurt. Kung pwede ko lang utusan ang judges na panalohin siya, ginawa ko na! Kaso alam kong magagalit lang siya sa akin. "okay lang yan, patricia. May next time pa naman" wika ni Henry. "Yeah, right..." malungkot niyang ani. Napabuntong hininga nalang ako at napagpasyahan na lapitan siya. Maybe, I can still make him happy. In a different way nga lang. "Baby pat..." Napatingin siya sa akin. And I'm right! His eyes were full of disappointment and regret. I don't know why. "aga... Sana hinantay mo nala--" Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita. Agad ko siyang yinakap. He needs a hug. Not a words. He needs to feel that he did a great job. Not a word that can be forgotten. "It's okay. I'm proud of you. Very proud of you" Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. Tanggap ko naman kung hindi siya yayakap sa akin pabalik e. Sanay na ako. But this time, it's different, yumakap din siya pabalik. He hide his face to my neck. Napabuntong hininga ako. I tap his back. Ramdam ko ang lunkot niya. His action speaks the things he can't. Kumalas ako sa pagkakayakap at nginitian siya. "cheer up!" "Shut up." irap niya. Ngumiti ako. " alam kong di ka masaya--" "alam mo pala e. Bakit ka pa nagpakita? Para bwesitin ako?" tanong niya. Bahagya akong natawa. "hindi. Para makikain sa burol mo" "funny." Ngumiti ako sa kanya. Agad kong hinawakan ang kanyang mga kamay. Tatanggalin niya sana iyon, kaso mas lalo ko itong hinawakan. "Tara! May pupuntahan tayo!" Kumunot ang noo niya. "ha? Baka gahasain mo ako! Ayoko nga!" Umismid ako. Kapal ng mukha. Pero salamat sa suggestion. Pag-iisipan ko yan mamaya. "feeling neto! Chicks ka ba?" "oo!" Napailing ako. "Tara!" sabay hila ko sa kanya. "saan?" Ngumiti ako. "sekreto para bibo" * I hope, I could make yoy smile and ease the pain, baby pat. I hope.* ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD