HEATHER'S POV: Kanina pa ako pabalik-balik sa buong pasilyo ng mansyon ni Tito Michael. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mahagilap ang mukha ng lalaking 'yon. Para siyang isang hayop na kung saan tumatago. Kailangan pang pagpasensyahan kung hindi talo rin sa huli. "Kainis naman! Kutong Lupa talaga kahit kailan!" Inis kong singhal sa sarili at muling bumalik sa garden na nilinis ko noong gusto ko talagang maging isang mafia. Nagbabaka-sakali lang na makita ko siyang pumunta sa opisina niya. Saka hindi na rin kami magkatabi nito. Sa guest room na ako pinatuloy ni Tito Michael, na katabi naman ng room nitong si Hizura. Kung noon ay room pa ito ni V pero nang lumalaki na ang anak nito, ay naisipan niyang maging part time daddy sa unica ija niya. Kaya ako na ang pinalit ni Tito Michael kay

