UHDS 3

1182 Words
Hizura Miguel's POV: Matapos kong sambitin ang mga katagang iyon. Naisip ko naman na lapitan ang walang malay na babaeng ito, bigla kong naalala sa isang lalaki ang pangalan niya. 'Heather? What kind of human she is?' Sambit ng aking utak. Pero ipinilig ko lang ang aking ulo at naisipan na kargahin ito nang pa-bridal style. Hindi naman ako ganon nahirapan sapagkat magaan lang siya. Mukha lang siyang mabigat sa katawan, pero kung bubuhatin malalaman mo na hindi. Pinatigil ko ang sarili ko sa pag-iisip ng kung anong bagay. Mabilis akong naglakad palabas ng bahay na iyon. Tatawagan ko na lang ang isa sa magaling sa paglilinis ng ebidensya sa organisasyon ni Dad. Matapos kong makalabas ng lumang bahay na iyon. Tumakbo na ako upang makarating sa aking kotse. Habang binabagtas ang daan palabas ng liblib na lugar na ito. Naramdaman ko ang mahigpit na kapit ng babae sa aking balikat. Tulog man pero ang diwa ay nasa malayo. Isa na rin itong senyales na hindi pa naman patay ang babae. Kapag nangyari man, ido-double dead ko siya. After 15 minutes of running, I already see the road and my red car from the other side. Palingon-lingon pa ako sa buong paligid bago maisipan na tumakbo papunta sa aking kotse. Dahan-dahan kong binuksan ang backseat at doon inihiga ang babae. Agaran din akong naglakad para umikot at pumunta sa driver seat. Binuksan ko ang pintuan at pumasok. Nilabas ko rin ang susi sa aking bulsa ng pantalon at nilagay sa susi-an. Pinagana ko muna ang engine saka ako nagpaandar para makawala sa tabi ng kalsada. Katulad ng ginawa ko, tumingin na muna ako sa paligid kung may dadaan ba na mga sasakyan. Napansin kong wala naman kung kaya pinaandar ko na ito ng diretso. Habang nagmamaneho ako nang mabilis. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at may hinanap na numero sa contacts ko. Nang makita ang numero at pangalan ng taont gusto kong makausap. Mabilis kong pinindot ang tawag.  Ilang segundo lang ang tinagal bago ko marinig ang boses ng doctor ng pamilya namin. "Go to our house and bring your things. May kasama akong babae na malala ang lagay, alam mo naman na ayaw ko sa hospital kaya ikaw na lang. Hindi naman patay ang babae, kung patay man ido-double dead ko para masaya." Sarkastiko kong sambit sa kabilang linya habang seryosong nakatingin sa daan. (Wala ka talagang awa sa mga tao Hizura. Pero saan mo siya nakita?) "Tinakasan ko si Dad. Sermon na naman ang napala ko kanina pagkatapos ng laban namin sa kalaban na hindi matalo-talo ng myembro ng organisasyon niya. Hindi sinasadya na mapunta ako sa liblib na lugar at nakita ko siya roon na pinupuruhan." (W-wait…don't tell me na pinatay mo ang nang-away sa babaeng iyan?)  Paninigurado niya pa kahit alam naman na niya ang sagot sa katanungan na ito. "You already know. Get ready and go to our house. ASAP!" Huling sambit ko at pinatayan na siya ng tawag kahit na umaangil pa ito. "Stupid Ass." Naiiling na sambit ko at mas lalong binilisan ang pagpapaandar.  Nakita ko na ang mga kabahayan na bukas ang ilaw. Kaya nasisiguro na ako na nandito na ako sa village namin.  Pinagpatuloy ko lang ang pagpapaandar hanggang sa makarating ako sa bahay na medyo malayo sa iba pang kabahayan. Nagpatunog ako ng manibela na agaran namang ginawa ng guards ang trabaho nito. Binuksan ng tatlo ang gate na sobrang laki at haba. Naghintay ako na buksan nila ito na kasya ang kotse ko hanggang sa pinaandar ko na ito papasok. Pinarada ko sa katabing kotse ang akin ding kotse bago lumabas. Umikot ulit ako at binuksan ang pintuan sa may backseat. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at kinarga ang babaeng ito. Napansin naman ng mga gwardiya ang ginagawa ko. Kaya lumapit sila sa akin. "Young master, kailangan mo ba ng tulong?" "Kami na po riyan." "No need. I can carry this little sh*t. Do your task outside." Walang emosyon kong utos sa mga ito. Wala na rin silang nagawa kundi ang gawin na lang ang sinabi ko. Nagsibalikan sila sa kani-kanilang pwesto samantalang ako ay binuhat na ang babae para dalhin sa loob ng bahay. Habang naglalakad ako papasok. Nakita ko na agad ang mukha ng lalaking ito at maging ang aking ama na nakahawak sa bunganga sa labis na gulat. "Anong mukha iyan? Ahah! Para kang psychopath na hayok na hayok sa dugo ng tao." Humalakhak pa ito nang malakas at hinawakan si Dad sa balikat. "Shut up! Gamutin mo na lang ang babaeng ito." "Okay. Pero dalhin mo muna siya sa kwarto…kaso saang kwarto?" "Sa akin na lang. Kailangan ko na ring magpalit pagkapasok doon." Sagot ko naman sa katanungan niya bago maglakad sa hagdan.  Sumabay na rin sila sa akin habang nag-uusap ang dalawa tungkol sa akin. "First time lang ni Hizura na magdala ng tao sa kwarto niya. Ano kayang nakain niya tito?" "Malay ko rin sa batang iyan. Nasa akin ba ang utak niya para malaman ko?" "H-hehehe g-grabe ka naman sa akin tito. Parang hindi tayo mag-close niyan 'e." "Shut up will you? Huwag kang dumikit sa daddy ko, maitulak pa kita sa hagdan na ito." Pagbabanta ko sa kaniya at matalim siyang binalingan. Tinaas pa niya ang kaniyang kamay na parang sumusuko na. Bago tumingin kay dad at nanghihingi ng saklolo. Pero napakibit-balikat lang ito. Muli kong binaling ang aking sarili sa paglalakad. Binago na rin ni V ang pinag-uusapan nila. "Tito anong gagawin mo ngayon?" "Nagawa ko na pagkatapos mong dumating dito. Hindi naman malala ang ginawa ng anak ko."  "Pero paano ninyo po nasasabi?" "Obvious naman hindi ba?" "Tama na iyan. Nasa kwarto na tayo." Pagpapatigil ko sa kanilang dalawa at naisipan na buksan ang kwarto ko. Dahan-dahan akong pumasok at dumiretso sa kama ko. Inihiga ko roon ang babae kahit na madumi ang damit nito. Halatang hindi nagpapalit ng ilang araw. Mabaho na rin siya. Kailangan ko sigurong bumili ng damit nito. But no…si Yaya Selya na lang ang papagawain ko niyon. May hinahabol pa akong trabaho bukas. "Gamutin mo na siya." Utos ko rito na agad niya namang tinanguhan. Lumapit siya sa direksyon ng babaeng iyon. Samantalang ako naman ay dumiretso sa kabila pang pintuan. Nandoon ang mga gamit ko at maging C.R. pinasadya ko talaga para hindi ako sikip dito sa kwarto ko. Papasok na sana ako sa loob nang pigilan ako ni Dad. Seryoso ako nitong tinitingnan. 'And…here…we…go…again.' "After this what will you gonna do to that girl?" Tanong niya sa akin sabay sulyap pa sa babaeng iyon. "Live with us." Halata sa mukha niya ang gulat sa sinabi ko. Napahawak pa ito sa bibig dahil hindi siya makapaniwala sa lumabas dito. "A-are y-you sure?" "Kahit naman na umayaw ka wala pa rin akong pakialam. Ipasunog ko pa itong bahay mo." Mabilis akong pumasok sa loob at sinarado ang pintuan. Ni-lock ko na rin para hindi siya makapasok. Alam ko naman na umuusok na ang mukha nito sa sinabi ko. "MIGUEL!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD