HEATHER'S POV: Nagising ako sa pamilyar na lugar. Ang paligid na walang ka-display display sa pader. Ang amoy ng pabango ng isang lalaking pamilyar sa akin. Pero nang lingunin ko ang kaliwang direksyon ko ay nadismaya ako. Ang naaamoy ko lang pala ay ang kama niya. At hindi siya. "You already awake. Thanks God! Do you feel better now?" Sunod-sunod na tanong ni V sa akin sabay tayo pa sa kaniyang kinauupuan. Tanging tango na lang ang isinagot ko. At muling inalala ang ang nangyari. Napangiti ako nang mapait. Kahit balik-baliktarin ko ang eksena kagabi. . . alam kong ako ang may mali. "Nasa'n si Hizura?" Tanong ko sa kaniya pabalik. Binaling ko ang buong paligid para mahanap ang pigura ng lalaking 'yon. Pero wala akong nakita. Wala nga siya dito. "He's in the garden. You need to ign

