HEATHER'S POV: "Ke! I had a great dream!" Unang bungad pa lang ng umaga, ay iyon agad ang narinig ko kay Hizura. Hanggang ngayon nakahiga pa rin siya sa kama. Pero ang kaniyang ulo ay nasa dulo na ng kama at wala na sa mismong headboard, hindi ko alam kung paano siya napunta riyan. Lumabas lang ako ng kwarto niya para sabihan si Caleb na handaan na si Hizura ng makakain nito dahil panigurado na magigising din siya. Halata kay Caleb ang gulat dahil first time niya na marinig na hanggang ngayon ay tulog na tulog pa rin si Hizura. Pero matamis na ngiti lang ang naging sagot ko saka iniwan na si Caleb sa counter. At ito na nga ang nabungaran ko. Ang ulo niya na nasa dulo na ng kama, bago sabihin ang mga ganoong kataga na naramdaman ata ang presensya ko. "Halata naman na maganda ang panag

