[Lucy] CHOICES or CHANCES. Hindi ko alam kong sasabihin ko bang 'Yes, that's what I want.' 'Yes, I'm drop-dead ready to be your woman. Your girlfriend.' Pero paano naging kami? Wala akong matandaan na tinanong niya ako. Kahit naman tanongin niya ako. Kahit gustohin ko. Mali. No way! Magaslaw man ako at prangka. Gustong-gusto ko man si Trent Valencia ngunit tama ang aking pinsan si Jaedynn. Handa ba siyang mahalin rin ako o baka naman nadadala lang sa mga kalandiang ginagawa ko? Baka nadadala lang siya sa pang-aakit ko rito. At baka nagustohan niya lang ang sandaling naghalikan kami. "Lucy, I'm asking you!" aniya. Nagitla ako sa lakas ng boses nito. Magtatanong lang bakit kailangang pasigaw pa?Kunot ang noo nito at nakasimangot ang mga labi. Kanina lang para namang tuwang-tuwa siyang m

