It's Friday night and they were around Makati. Nagkayayaang mag-bar ang iilan sa kanila to relax a bit. Puspusan ang ginagawa nilang trabaho para sa upcoming project ng kanilang kumpanya sa Butuan. And yes! it's all about Butuan City—her beloved hometown na matagal na niyang tinalikuran, o tumalikod sa kanya, rather. It's been what? Four, five years since she left? Hindi na niya maalala exactly, o mas pinipili niya nang huwag nang alalahanin pa.
But Abby can't deny the fact that she still love her hometown. Pagmamahal na hindi basta-basta natitibag ng panahon. So she choose to love them from afar. She celebrate their victories in private, as well as cry over their defeats behind closed doors—mga bagay na tanging siya lang ang nakakaalam. Kaya gano’n na lang ang saya niya when she got the news. That international seaport that was put on hold for quite a while will finally be built in her city.
Nagkataon pa na ang kumpanyang pinagtatrabahuan niya ngayon ang gagawa nito. Dream project lang ito ng kanyang Dada noon. Sobrang saya lang niya kasi finally ay matutupad na rin siya ngayon. Though wala na ang kanyang ama to witness it, nandito pa naman siya in his behalf. She contributed a lot to boost this project. Each one of them actually—and I mean every single person on the team—puso’t kaluluwa ang ibinuhos nila dito. Lahat ng plano nh kanyang Dada noon, inilatag niya sa harapan ng buong team, so in that way, para na rin itong nakasali sa pagbuo ng project.
Gusto na naman niyang maiyak nang sumagi sa kanyang isipan ang alala ng ama. Sa paglipas ng panahon ay unti-unti o na rin niya itong napapatawad, though hanggang ngayon ay isa pa ring misteryo ang buo niyang pagkatao. Wala namang nangyari sa pag-stay niya sa Cebu. Aside from meeting some of her relatives from her mother’s side ay wala na siyang nalaman pa tungkol sa tunay niyang ama. Tanging ang mga magulang niya lang ang nakakaalam ng lahat, but they’re gone now—kaya hindi niya na alam kung saan pa magsisimula.
And speaking of, mabibigyan pa kaya siya ng chance na mabisita ang puntod nila? Gayong nangako siya kay Kendra na hindi na siya muling tatapak pa sa lugar na iyon. Huminga siya ng malalim.
Sa gitna ng pagda-drama ay bigla niyang naisip that she's here to enjoy the night. So nararapt lang na makisaya siya sa kanila. She has every right to do it. Higit kanino man, siya ang may mas mabigat na dahilan to celebrate.
Natigil ang kanyang pagmo-moment nang may humila sa kanyang braso papasok sa bar. It was one of her colleagues. Paglingon niya ay marami pang nakasunod sa kanila.
"Let’s go, Shane. Nasa VIP lounge na sila," sigaw ng isa niyang kasamahan.
Dali-dali silang umakyat sa itaas. The place is a bit crowded now, buti nalang at nakapag reserved na sila. Kaagad siyang naghanap ng puwesto—somewhere. A perfect spot where she would be able to see the crowd below.
Napapangiti siya habang dumudungaw sa dance floor, until sudden realization hits her. Luminga-linga siya at pinaikot ang mga mata sa paligid. Ilang beses niya pang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng lugar. Pero tanging isang bagay lang ang pumapasok sa kanyang isipan. Hanggang sa itinanong na niya ang pangalan ng bar. Hindi niya kasi ito nabasa kanina, gawa ng may ibang umuuokupa ng kanyang iniisip.
Napaawang ang kanyang bibig nong marinig niya ang sagot.
"No way! How could that be? This is... this is the place where I met him. Yes, I saw him first at the other bar. Pero dito, dito ko siya naka-usap bago naganap ang lahat." Naibulong niya sa sarili.
Sinong mag-aakala na muli silang makikita pagkatapos ng mahabang panahon? Nakakalungkot lang, kasi the guy didn't recognized her anymore. Habang siya ay nanatiling nakakulong sa isang alaala ng nakaraang pilit nyang kinakalimutan.
Medyo tumigil ng bahagya ang pagtibok ng kanyang puso, remembering how too naive she was before. Pumikit siya at dinama ito bago muling nag-angat ng talukap.
"As far as I can remember, isang simpleng bar lang ito noon. How come that it turned out to be one of the most expensive now?" she murmurred.
SHANE's POV
Hanggang ngayon ay malinaw parin sa isipan ko ang mga nangyari. It was 1st of June when we book a flight to Manila. Kasama ang aking BFF na si Lou as my P.A./chaperon. But it's not her job anyway, supportive lang talaga siya sa akin. I was able to bag the crown as Miss Universe Caraga and Miss Silka that same year. Kasama sa napanalunan ko ay ang isang 6 month contract sa isang famous clothing brand which happens to be one of the pageants major sponsors. I have to stay in Manila for two months or so to do a series of fashion shows at magiging on call na ako pagkatapos. Will be flying back and forth then kapag may importanteng events.
Sanay na sanay na naman akong rumampa sa entablado at sa harap ng maraming tao. Pero siyempre ibang usapan na raw kapag naka 2 piece bikini lang... that's according to my Dada. Kasi ewan ko ba! Bigla na lang siyang naging mahigpit sa akin when puberty starts to hit me. Mas lumala pa when I turned 18. I used to wear sexy and revealing outfits naman. I have fallen in love with it ever since I was a kid. Bata pa lang ay nag-aastang dalaga na ako.
Hinahayaan naman ako ni Dada noon as long as hidi ako nakikitaan ng maseselang bahagi. Hanggang sa biglang nagbago ang ihip ng hangin. Idagdag pa 'yong bruha kong stepmom and my equally evil stepsister na gumagatong sa kanya. Na kesyo ang sagwa sagwa raw tingnan, na parang inihahain ko raw yong sarili ko sa iba. Na binibigyan ko ng motibo 'yong mga lalake. Isn't it my fault kung sadyang agaw pansin ako? Kahit yata balutin ko nga maigi ang sarili ay lalabas parin ang natural na hubog ang aking katawan.
Not for being bratinela, kasi sa totoo lang maa-appreciate ko pa sana kung totoo 'yong concerned nila sa akin. Kaso lang, alam ko naman that they're just doing it out of envious. Ayaw na ayaw ni Kendra na nasasapawan ko siya. She hated it most kapag napupunta sa akin ang atensiyon ng mga tao.
Kaya ganon nalang ang kasiyahan ko when I ended up winning the title. I finally get the chance to enjoy my freedom even just for a while. Nanatili ako sa Manila for more than two months. Walang nagawa si dada kasi nasa kontrata ko iyon. And if not just for my graduation which will gonna happen in the next few months. I'd rather choose to settle in Manila and pursue a career sa modelling industry, kahit ayaw pa ni Dada. And by the way, I forgot to mention na sa Xavier University sa CDO ako nag-aaral. I spent my first three years in college studying architectural engineering at FSUU. Sa kagustuhan ko na rin na sumunod sa yapak ni Dada. But later on I've come to realized that it wasn't really my passion. Kung kelan isang taon nalang ang kailangn kong gugulin. I had the skill. Oo! But not to the extent of stablishing a career out of it. And so I changed my course into Business Ad. In that way ay maipagpapatuloy ko parin ang legacy ng aking ama. I'll manage our business and just hire competent workers to the job for me. Mas magiging madali 'yon para sa akin.
Lumipat ako sa Xavier University during my third year in college. Dada's colleague was able to convinced him, na mas maganda kung doon ako ga-graduate. Pero hindi parin ako nagkaron ng freedom, 'cause I was closely monitored by him. Tanging si Carl lang ang nakakadalaw sa akin with his permission. Araw-araw nag vi-video call din kami ni Dada, may driver/body guard at yaya pa akong kasama sa apartment. And not to mention ang biglaan niyang pagsulpot doon ng wala man lang pasabi. Malapit lang din naman kasi ang CDO sa Butuan. Just 3 hours drive kung bibilisan mo ang takbo.
A week bago ako lumipad pabalik ng Butuan ay ginanap ang final event namin. Isang white micro mini skirt at crop top ang dapat ko sanang isuot, hanggang sa nagkaroon ng aberya sa isa sa mga seasoned models kaya't pinatawag ako ng organizer/trainor namin.
"We have a situation right now, Crystal..." bungad niya sa akin. Nga pala, 'yon ang code name ko sa ramp. "It simply describes your personality as well as your current social status in life." Ayon pa sa aking handler.
"Yes po, go ahead, I'm all ears..." agaran kong sagot.
"Nag collapse kasi 'yong model na dapat sanang magsasara ng event ngayong gabi." Nalungkot ako sa narinig, feeling so sorry for her. Ang sexy pa naman ng isusuot niya sana. Latest sexy undergarments collection ng clothing brand.
"And how is she? Asan na po siya ngayon?" Nag-aalala kong itinanong.
"Don't you worry, she's well taken care off. Besides, hindi rin kita ipinatawag dito, to personally break the news about her. Malalaman mo rin naman 'yon, kahit di manggaling sa akin, anyway."
"Po?" Medyo nalito ako sa sinabi niya.
"As I was saying earlier, kung narinig mo. Siya dapat ang huli sanang rarampa ngayong gabi. But since may nangyari nga kanina, kailangan naming maghanap ng agarang kapalit. Someone who can gracefully wow the crowd with her assets while wearing the brands latest sexy collections."
"I understand po. But, what does it had to do with me?" lutang kong itinanong.
"I get that you have restrictions, ayon narin sa handler mo, Crystal. Na hindi ka puwedeng rumampa na tanging lingerie at undergarments lang ang suot. Pero... gusto ko ring malaman mo that the management itself, personally hand picked you to replace that model."
Napaawang ang aking bibig. It took a while for me to respond. "But, why me?" My eyes narrowed.
"Why not?" She shrugged and curled her lips.
Napalunok ako. Kaya ko namang gawin yon, actually. I know, I have what it takes to be able to hit the runway. Hindi lang talaga ako makapaniwala. Kasi alam ko rin na marami pang mas deserving kesa sa akin. Parang nakikita ko na tuloy ang pagtaas ng maraming kilay if ever I get to land on the job.
"And were talking about 6 digits here. Well, sorry if I sounded like you're in need of a lot of money. Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang estado mo sa buhay. Maybe what I'm trying is... gano'n ka bilib ang management sa kakayahan mo for them to make such an offer. Sa tagal ko sa industriyang ito, alam na alam kong seasoned models lang ang nakakatanggap ng ganyan kalaking offer sa isang gabing ganap. Besides, iba rin ang magiging hatid na satisfaction if you're earning on your own. So, ano? Will you accept it?"
Sandali akong nag-isip. She's right, actually, iba talaga kapag may sarili kang pera. May mga TF naman ako sa sinasalihan dati, but not as big as this. Kadalasan kasi, in kind 'yong binibigay nila. I can probably start something with that offer. Makakapagsimula na ako ng panibagong buhay ng hindi umaasa kay Dada. And maybe a life in this city too? But do I really need to do this one? Kaya ko bang talikuran si Dada at ang pagiging buhay prinsesa ko sa Mindanao? Pumikit ako at ilang segundo pang nag-isip. Hanggang sa isang boses ang muling nagpaangat ng mga talukap ko sa mata.
"Opo!" Napalingon ako kay Lou na kumikindat sa akin. I almost forgot that she's with me.
"Sinong papalit sa maiiwan kong spot?" Pinandilatan ko siya ng mata. "Considering that it is an important role too." Nasabi ko.
"Ako!" Diritsong sagot ni Lou.
Tumawa si Mamang, 'yan ang tawag namin sa baklang organizer/trainor ng nasabing fashion show. Humakbang siya at lumapit sa babaeng sumagot ng tanong niya para sa akin. "Kaya mo ba?" Hamon niya sa kaibigan ko habang pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Lou gave her a sexy grin, inayos ang damit at umarte na parang propesyonal na modelo.
"Show me what you've got, then!" Mamang smirked as she gave the floor to my bestfriend. Kung alam lang niya kung gaano ito kagaling. Si Lou yata ang naging secret trainor ko for the past years of joining the ramp. Hindi ko nga alam kung bakit hindi niya sinusubukan para sa sarili. Siguro kasi ay mas naka focus siya sa pag-aalalay sa akin.
Pumalakpak ako sa gilid matapos siyang magpakitang gilas sa harap namin. Nakita ko kung paano namangha si Mamang.
"Well, what can I say? I'm impressed!" magkahalong tuwa at kilig ang naramdaman ni Lou after hearing those words. "You are very much welcome to join my team. Pero 'yon nga lang...wala sa akin ang desisyon sa ngayon. So, ano Crystal, would you give your friend here, a chance to join you in the runway? Willing ka ba na i set aside muna ang iilang self imposed rules mo, just to cover up tonight's event?"
Well, if this is Lou's only chance to show off? Then I'll be very glad to share the same spotlight with her. "Fine! I'll do it! But on one condition," tumango si Mamang at ngumiti.
"I want you to put heavy make up on my face or just something to cover up my real identity. Yong hindi ako makikilala ng mga tao at ayoko ring makarating kay Dada ang gagawin kong ito."
"It's a deal then, Missy..." Naglahad siya ng kanang kamay na kaagad kong tinanggap.
"It's an honor Mamang, but I'm really sorry, I have to keep this private."
"I completely understand, no worries. Thank you for accepting the offer." Niyakap niya ako ng mahigpit.
Hinubad ko ang white robe na nakabalot sa aking katawan as I gazed at the huge mirror in front of me. Di ko mapigilang humanga sa sarili. Bumagay sa katawan ko ang suot na lacey wine red bikini that were accentuated by a gold chain na ipinulupot sa aking bewang. Mas lalo pang na e-emphasize ang 24" na sukat ng aking waistline. Pinalitan din nila yong heels na dapat ko sanang isuot kanina. Ka terno ng pang itaas kong suot ang sapatos na gamit ko ang ipinasuot nila sa akin. 5 inches ang takong nito kaya nagmistula na akong 6 footer.
Gaya ng napag-usapan, itinago nila ang aking mukha by allowing me to wear a gold metal masquerade mask that still has a touch of red. Aside from my piercing brown eyes and eyelash extension, tanging tungkil lang ng aking ilong at bibig ko ang kanilang nakikita. Isinuot ko na rin ang isang white hooded velvet cape as my final accessories. Wala ng makakakilala pa sa akin. Maging ako man ay hindi makapaniwala sa nakikita ko sa salamin.
Ilang minuto lang at sasampa na ako sa runway. "Heads up, shoulders back, stand up straight and walk in strides to a smooth rhythm. But always remember to relax and to keep it natural as much as possible." Paulit-ulit na sinabi ni Mamang sa akin as she do the final touches. Making sure na walang magiging aberya sa wardrobe ko later. Tumayo ako ng matuwid, placing my one foot in front of the other. Getting myself ready to hit the runway, until it's finally my turn. Kinakabahan man ay taas noo akong naglakad. Sumalubong sa akin ang maraming ilaw kaya hindi ko masyadong naaaninag ang mga tao sa paligid.
Ilang sandali lang at nagiging malinaw na sila sa aking paningin. Men in suits. Women wearing class ang elegance. I also saw some familiar faces. I made an eye contact with the people in front at ng lahat ng taong nahahagip ng aking mga mata. Mas pinagbutihan ko pa ang bawat galaw, umikot at huminto sa gitna to make a pose. Teasing the crowd as I slowly took off my cape. Isang nakabibinging katahimikan ang namayani nong pumagitna na ako sa stage at tuluyan na nga itong hinubad. I made a quick turn then, enough for the crowd to get a glimpse of my behind.
Nakarinig ako ng masigabong palakpakan when the music ended. Tumigil narin ako sa pagrampa. Maya-maya pa ay tinawag na ang ibang models and of course ang designer, ang may-ari at big bosses ng naturang clothing brand. Nagpaunlak ako ng ilang camera shots at muling iniwan ang runway. Nagkulong ako sa dressing room despite the fact na ang daming naghahanap sa akin. Wanting to formally introduced one self. Hindi kasama sa job description ko ang pag entertain sa kanila. Hindi ako mag-aartista. All I wanted is to be given the chance to express myself. Sa paraang gusto ko, sa paraang alam ko. It feel so liberating. May kung anong bagay ang nakawala sa aking dibdid.
Sa totoo lang, gustong gusto ko ng kaagad na umalis, but I still have to wait for Lou. Si Lou na tila nasa alapaap. Di ko mapigilang ngumiti. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari. Na mabibigyan ng gan'tong chance si Lou, noon pa sana ako nagdesisyon na mag Maynila na kami. I'm definitely sure na pipila ang mga nagagandahang offer sa kanya now that they saw her potential. I saw how her eyes beamed with delight after all the praises that she got from the crowd who was able to witness her doing the ramp.