Chapter 2

1042 Words
Ralph was riding his gray Porsche Panamera on his way to Ermerio de Moraes University. It was a university owned by his family that was named after his late grandfather. Ayon sa kanyang ina, ang Lolo Ermerio niya ay isang bilyonaryong Brazilian businessman. Ito ang chairman ng isa sa pinakamalaking banko sa Brazil, ang Banco de Moraes. Nakapag-asawa ito ng isang pure Filipina na guro at nagtuturo sa Brazil noon; iyon ang ina ng kanyang ama. Ipinatayo ng kanyang lolo’t lola ang EDMU nang isang taong gulang pa lang ang kanyang amang si Ermerio Jose de Moraes. Naging football coach din ito sa unibersidad ngunit kinailangan nitong bitawan iyon lalo na nang pumanaw ang kanyang lolo. Dahil mas gusto ng kanyang ama na manirahan sa Pilipinas, dito ipinamahala ang unibersidad. Ang nag-iisang nakatatandang kapatid naman nito ang nagpapatakbo ng naiwang banko ng kanilang lolo sa Brazil, pati mga anak nito. Nakailang coach pa ang football team ng university bago ito nahawakan ni Ralph. When he reached the age of twenty, he became a full time football coach of the university. Ngayon ay thirty-one na ang kanyang edad. Ni hindi niya pa nga naisipang mag-asawa dahil nag-e-enjoy pa siya sa kanyang ginagawa. Ayaw niyang mahati ang kanyang oras sa babae at trabaho. Bukod sa sobrang mahal niya ang nasabing laro, gusto niya ring tulungan ang team players na hasain ang galing ng mga ito sa paglalaro. Namimigay rin sila ng full scholarship sa mga mahihirap ngunit karapat-dapat na estudyante at may interest sa football. Nagbunga naman ang kanilang paghihirap sa training dahil taon-taon ay sila ang kampeon sa NCAA Football Championship. He started playing football by coincidence. When he was nine years old, his dad was at a meeting in the local football club in Brazil where he was accompanying him. Naglalakad si Ralph noon sa isang field kung saan may naglalaro ng football nang aksidenteng mag-landing ang bola sa harap niya at tumama iyon sa kanyang paa. Hindi niya alam ang gagawin nang mga panahong iyon dahil na rin sa takot na baka pagalitan siya kapag pinakialaman niya ang bola. Inutusan siya ng isa sa mga naglalaro na sipain iyon na sinunod naman niya. Sa lakas ng kanyang sipa ay pumasok ang bola sa football net at hindi niya alam kung bakit nagpalakpakan ang players. Naging interesado siya sa naturang laro at sinuportahan naman siya ng mga magulang. He used to help his father out as an assistant coach from a young age during his free time, so he has basically been coaching since the age of fourteen. Ngayon ay papunta siya sa EDMU dahil may meeting sila kasama ang Sports Team Coordinator. Kukunin niya rin ang personal data sheets ng bagong scholars na magiging kasali sa varsity ng football team. Nag-graduate na kasi ang ilang team players nila nang nakaraang school year kaya kailangan nilang humanap ng kapalit sa mga ito. He also needed to double check if the new scholars were really academically and physically qualified.  Alas otso ang meeting at gumising talaga siya ng alas singko ngunit hindi niya pa rin naiwasan ang traffic sa EDSA. Unti-unti nang nauubos ang kanyang pasensiya nang makita niya sa wristwatch na forty-five minutes na lang bago ang takdang oras. Halos kinain na ng traffic ang lahat ng oras niya. Isa pa, medyo malayo-layo pa kasi ang eskwelahan.  “Damn!” he cursed in exasperation, hammering the steering wheel with his fist. Hindi na talaga maipinta ang kanyang mukha sa inis. Kahit papaano ay lumiwanag ang kanyang mukha nang makitang umilaw na ang green light. Kaagad niyang tinapakan ang silinyador ngunit bago pa man siya nakatawid sa kabilang linya, biglang tumawid ang isang babaeng may bitbit na traveling bag. Mariin niyang tinapakan ang break at mabuti na lang ay huminto ang sasakyan bago pa man ito tuluyang nahagip. Halos wala nang pagitan ang kanyang kotse at ang katawan nito.  Imbes na matulad ang babae sa ibang muntik nang mabangga na napapatanga, malalaki ang hakbang na naglakad ito patungo sa kanyang sasakyan. Galit ang hitsura nito at tila sumisigaw sabay pukpok ng malakas sa hood ng kanyang sasakyan. He wasn’t the type who just run away from his responsibilities so he slowly stopped his car at the roadside. Bumaba siya mula roon upang harapin ang babae. “Hoy! May balak ka bang patayin ako?” tila umuusok ang ilong na sugod nito sa kanya. He immediately noticed the woman’s enticing brown eyes gazing at him. She had pouty lips that positively drooled with goodness and it sets his heart a thump. Lumikha rin ng ligaw na pakiramdam sa kanyang katawan nang tingnan ang magandang hugis ng katawang bumabakat sa suot nitong blouse at skinny jeans. “Aba’t, nagmamaang-maangan ka pa talaga, ha? Walanghiya ka!” muling sigaw ng babae. Iyon ang nagpagising sa kanyang diwa na tila pansamantalang naglakbay kanina habang sinisipat ang hitsura nito. Nakita niyang dinuduro siya nito. “Hey, Miss, will you please stop yelling and at me? We both know that nobody crosses at a green light,” he answered in a raspy voice. Nobody points a finger at him. Nirerespeto siya at ang kanyang pamilya ng mga tao. Ang katotohanang nasa tama siya ang gumagatong sa inis niya dahil sa inaasal ng babae. Kung gaano kaamo ang mukha ay kabaligtaran naman ang ugali nito. Isa pa, pinagtitinginan  na rin sila ng mga tao. Pinakaayaw niya pa naman ang masangkot sa kahit anumang eskandalo. “Ah… so, kasalanan ko pa—“ “Miss, I have no time for this discussion. I have an important meeting to attend to and I might be late. Ito ang pera panggastos mo sa ospital, pampa-check-up kung may bali ka. Kung kulang pa ‘yan, tawagan mo lang ako at dadagdagan ko,” putol niya sa mga sasabihin pa nito sabay abot ng ilang lilibuhing papel mula sa kanyang pitaka kasama ng kanyang calling card. Tiningnan lang nito ang pera ngunit hindi iyon tinanggap. “Hindi ko kailangan ang pera mo!” He shook his head in exasperation, grabbed her right hand and put the money and calling card on her palm. Hindi na nagsalita pa si Ralph at bumalik na siya sa loob ng kanyang kotse. Kaagad niya iyong pinaharurot dahil nagkataong muling umilaw ang green light. Narinig niya pa na sumisigaw ang babae ngunit tuluyan na niya itong inignora.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD