ZILLENE MADRIGAL WALONG taon ang nakalipas. Sa maliit na panahon na iyon ay napakadaming nangyari na hindi ko lubos akalain. 20 years na 'ko ngayon at kaunti na lang ay malapit na rin akong makatapos ng kolehiyo. Sinong mag-aakalang ganon pala kabilis ang pagdaan ng mga panahon? Parang noon lang ay musmos pa ako. Ang daming nagbago. Nagkaroon na rin ng trabaho si Papa sa isang hotel na malapit lang sa bayan namin at na promote ito bilang manager sa hotel na iyon, hindi ko alam kung anong nangyari at bigla na lamang ito nagkaron ng ganon kagandang trabaho pero ang sabi sabi sa mga chismis na naririnig ko ay may backer daw si Papa kaya siya mabilis na natanggap. Hindi ko alam kung totoo man iyon o hindi dahil wala naman akong kilalang bigating tao na kaibigan ni Papa kaya ang akala ko n

