ZILLENE MADRIGAL GISING na ang diwa ko pero ayoko pang imulat ang aking mga mata. Gusto ko pang matulog at damhin ang masarap na kama at itong malambot na unan na yakap yakap ko. Subrang sarap ng tulog ko kumpara noong mga unang gabi ko dito sa condo ni Kuya Magnus, parang hindi ako binangungot kagabi dahil sa sarap ng gising ko. Umusog ako at mas isinuksuk ang sarili sa malambot na unan sa tabi ko, subrang bango nito. Rinig ko ang pag-ungot nito na naging dahilan nang pagkunot ng noo ko. Dumadaming ba ang unan? Mabilis kong inimulat ang mata ko at tinignan ang unan na yakap yakap ko. Mabilis na nanglaki ang mga mata ko nang makitang hindi unan ang yakap yakap kundi ang katawan ni Kuya Magnus. Mabilis ko siyang binitiwan pero nagulat na lang ako nang hilahin niya ako at ako naman ang gi

