ZILLENE MADRIGAL NANG makasakay kami sa sasakyan ay sinimulan niya itong paandarin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil wala naman itong nabanggit sa akin. Dahil hindi ko alam ang i-sasagot sa kaniya noong tinanong niya 'ko ay siya na mismo ang nag-isip kung saan kami pupunta kaya naririto kami ngayon sa loob ng kaniyang sasakyan.. tinatahak ang daan patungo sa kung saan. Tahimik lang ako habang minamatyagan ang mga nasa paligid ko. Ito ang unang beses kong makasakay sa isang magarang sasakyan kaya hindi ko maiwasang manibago. Subrang ganda ng loob, mukhang brand new, humahalimuyak din dito ang mabangong pabango ni Kuya Magnus, mahahalata mo talaga na siya ang may ari ng magarang sasakyan na ito. Matagal na 'kong curious sa pabangong gamit niya. Subrang bango kasi nito at hindi m

