Kabanata 19

1049 Words

Hindi ako makatulog. Nasa mesa ko ang lahat ng print-outs, reports, at data sheets. Nakalatag silang parang puzzle na ilang ulit ko nang sinubukang buuin. Binasa ko sila nang paulit-ulit hanggang nagkabuhol-buhol na ang mga numero at graphs. Minsan binabasa ko nang malakas—mabagal, mabilis, minsan monotone. Minsan may diin para sanayin ang sarili kong huwag magtunog kinakabahan. I wanted to sound confident. I wanted to look professional. Pero kahit ilang practice, hindi matanggal sa isip ko ang tanong na paulit-ulit na bumabalik sa'kin. Alam ba niya? Alam ba niya na ako ang haharap bukas? Na makikita niya ulit ako—hindi na bilang anak ng hardinero at labandera, kundi bilang empleyado ng kumpanyang kausap nila ngayon? O para sa kanya, isa lang akong pangalan sa mesa? Humiga ako pero

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD