The air in San Felipe struck me differently. Pagbukas pa lang ng van, hindi usok ng Manila ang sumalubong. Dito, sariwa. Amoy palay, basang damo, at lumang kahoy na parang may memorya ng mga taong nauna. May tunog din ang katahimikan dito—kuliglig, lagitik ng dahon, yabag sa lupa. Halos mag-iisang taon na mula noong huling tapak ko rito. “Upper Montemar slopes are tricky,” paalala ni Ezra habang binababa namin ang augers at core tubes. Pawis na ang gilid ng polo niya, pero masigla pa rin ang boses. “Mataas ang compaction. Watch your footing.” Tumango ako habang hawak ang GPS at data sheets. Sinalo ko ang sikat ng araw habang nilalatag namin ang transects, sinukat ang slope, sinindihan ang mga marka. Sa bawat tapak ng lupa, para akong lumalakad sa memorya na gusto ko nang iwan pero ayaw

