MARIA ISABELLA's POV WATSOOOOONS! Uuwi na sana kami ni Sean kaso nakita ko 'yung store ng Watsons! Buti hindi ko nakalimutan, wala na pala akong mga make-up saka skin care. Mauubos 'yun sa pupuntahan namin. Hinawakan ko 'yung kamay niya sabay tingin na parang baby. "Sean, love, pwede po?" sabi ko sabay pa-cute. Ginaya ko lang si Zia sa commercial. "Hmmm, ewan ko kung magkano na nababawas ko sa pang-trip natin. Pang-trip natin 'tong pera na pinangbili mo ng mga damit mo 'eh," sabi niya sabay tawa. "Joke! Syempre pera ko 'to. Ang laki ng allowance ko every month 'di ba tapos hindi naman tayo masyado gumagastos? You can buy whatever you want," sabi niya. Nagtatalon ako sa tuwa. Pumasok ako ng Watsons at pinaghintay ko na lang siya sa labas. He insisted to stay with me, kaya

