MARIA ISABELLA's POV "How could you, Sean?" I was standing firmly. Pilit kong tinitindigan 'yung tayo ko kahit babagsak na 'yung katawan ko. Pilit kong pinipigilang tumulo 'yung luha ko pero hindi ko magawa. Sobrang sakit. Para akong binabaon sa sobrang sakit. "'Wag mo kong lapitan. 'Wag na 'wag mong ihahakbang 'yang mga paa mo papalapit sakin," sabi ko. Pero lumapit pa din siya. He's trying to hold my hand pero pilit kong inaalis ang mga kamay niya. "Isabella, please let me explain everything, please!!" sigaw niya. Umiiyak siya habang sumisigaw. "Let me clear your mind, let me tell you everything!! Hindi ako magsisinungaling sayo. Hindi kita lolokohin, just please, let me tell everything, Isabella!!" Lumuhod siya sa harapan ko hawak ang mga kamay ko. "Tayo d'yan," pinunasan

