RISH’s POV
Papunta ako ngayon sa gym, para imeet ang buong basketball team, kasama ko si Ms. Principal. Naipaliwanag na rin niya kahapon iyong mga gagawin ko at iyong mga bagay na dapat kong malaman. Pati profiles ng players pinabasa niya na rin sa’kin. 5 AM pa lang ngayon, maaga daw kasi talaga nagpapractice ang mga ito para makaabot sa klase.
“Ready Ms. Montero?” saad ng Principal bago buksan iyong pinto ng gym.
Tumango naman ako. Unang pumasok si Ms. Principal, nasa likod lang naman niya ako.
“Goodmorning boys!” bati nito, kaya naman tumigil ang lahat at bumati rin sa kanya. “I'am just here para ipakilala ang bago niyong coach.”
“Talaga Ms. Principal? May bago na kaming coach? Babae ba?” turan ni manyak daw sabi ni Trisxh.
“Puro ka babae..” sita naman noong saint guy , iyong may itsurang matino.
“Akala ko ba ako muna ang magiging coach.” tugon naman noong masungit na captain.
“Yeah, pero napag-isip-isip ko na kailangan mo rin magfocus sa Academics mo. Kaya I decided na humanap ng coach for this team.” sagot naman ni Ms. Principal na ikinasimangot noong captain.
“Sino siya coach?” tanong noong nakikipagkamay sa’kin kahapon.
“She’s with me, Ms. Montero?”
Lumabas naman ako sa likuran niya at tumayo sa tabi niya. Gulat naming napatingin sa’kin ang mga players.
“Yow Airish!” bati ni Mr. Late nang makarecover siya.
“A-Airish..” saad naman ni Mr. Kamay .
“Why her?” wika naman ni sungit.
May galit ba siya sa’kin?
“Because she’s the perfect coach for this team my brother at kung may reklamo ka, umalis ka na lang sa team at mag-aral.” nakangiting wika ni Ms. Principal.
Brother? Magkapatid sila? Anak din pala siya ng may-ari ng school na ito.
“Psh.. ano bang alam niyan sa basketball? Yeah, I heard that she’s intelligent, pero hindi naman talino lang ang kailangan dito.” mahabang salaysay ni sungit.
“So, anong gusto mong mangyari?” turan naman ni Ms. Principal.
“Show us, what she got.” then he smirked.
Tumingin naman sa’kin si Ms. Principal, then tumango ako sa kanya.
“Okay Xander, let's have a game. Labanan mo siya.” turan ni Ms. Principal
“T-teka Ms. Principal pwede namang ako na lang.” wika ni manyak.
“Ako din Ms. Principal, ako na lang.” saad naman ni Mr. Kamay.
“No. Hayaan niyong si Xander ang makalaban niya.” wika naman ni Ms. Principal “Ano na Xander?”
“F-fine.”
Then naglakad na ito papuntang court, sumunod naman kami.
“Unang maka-3 points iyon ang panalo, but each shot is equivalent to 1 point only.” paliwanag ni Ms. Principal.
Tumango naman kami.
“Here.. “ wika ni sungit sabay-abot sa’kin ng bola.
Minamaliit talaga ako nito. Isang pagkakamali ang ginawa mo, hindi mo na mahahawakan ang bolang ito.
I smirked, na ikinagulat niya. Then pumormal na ulit ang mukha niya.
*prrrrrrrrrrrrrrttttt*
Pumito na si Ms. Principal, hudyat na simula na ang laban. Dinidribol ko ang bola. Andito ako malapit sa 3 point-line, samantalang siya ay nakabantay lang malapit sa ring.Nailing na lang ako. Pinagbibigyan mo ko ha! Tumalon ako at itinira ang bola. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero pumwesto agad siya para sa rebound. Ako? Nakatayo lang dito. Confident ako. Shoot yan.
3
2
1
*shhhhhhhhhhoooooooooooooooooottttttt*
“Whoah! Airish, galing mo!” cheer ni Mr. Kamay.
“May bago na tayong coach!” sigaw naman ni manyak.
1 point pa lang naman iyon. Ipinasa niyang muli sa’kin iyong bola. Mas seryoso na siya ngayon at bahagyang lumapit sa’kin.
*prrrrrrrrrrrrtttttttttttttttttttttttttttttt*
Pumito na ulit si Ms. Principal. Nagdribol ulit ako, binabantayan na niya ako ngayon. Binend ko ang knee ko at nag-act na titira ulit ng 3 points, bigla naman siyang tumalon. Good. Nagfake lang naman ako pero kumagat siya. Tumakbo ako papuntang basket habang nagdidribol.
Lay-up shot.
*shhhhhhhhhhhhhhoooooooooooooooootttttt*
2 points.
“whooooaaaaaaaaaahhhhhhhh!” saad noong mga ka-team niya.
“Airish!” sigaw ni Mr. Late at kumaway pa.
Tumango lang naman ako sa kanya. Si sungit, halatang napipikon na.
*prrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrttttttttt*
Start na ulit. Nagdidribol na ulit ako. Mas agresibo na siya ngayon. Hindi na ako pinagbibigyan. Bantay kung bantay. Okay. Sabayan mo na lang ako. Tumakbo ako papuntang basket at tumalon. Sumabay siya. Nakataas ang mga kamay niya. Hindi ko tuloy makita iyong ring. Inilusot ko na lang ang kamay ko at inihagis pataas ang bola. Naglanding kami at halos sabay tumingala. Umiikot ang bola sa gilid ng ring. Halos lahat pigil ang aming hininga. Hanggang sa.. tumigil na ito at shoot!
I won.
3-0.
Tiningnan ko siya. Nakatingin din siya sa’kin. Inilahad niya ang kamay niya. Sport din naman pala ito.
“Nice game.. coach.” saad niya.
“Wooooooooooaaaaah! Astig ka coach, galing!” puri ni manyak sabay akbay sa’kin.
Sinong may sabing pwede niya akong akbayan? Binitiwan ko ang kamay ni sungit at hinawakan ang kamay ni manyak. Then, inilagay ko sa likod niya, iyong bahagyang nakapilipit.
“A-arayy! Coach, masakit!”
“Ayan, nakahanap ka na ng katapat mo Blake!” nakangiting wika ni saint guy.
“Coach, ikaw na ang bahala sa’min.” nakangiting turan ni Mr. Kamay.
“Welcome to the team coach.” saad naman ni Mr. Late.
Binitiwan ko na si manyak, baka mabalian pa at mabawasan pa ang mga players.
“Thanks.” maikling saad ko.
“Here.” wika naman ni sungit na inaabot ang isang towel.
Kinuha ko naman dahil ramdam ko na ang pawis ko.
“Coach..” sabay abot sa’kin ng tubig ni kapal kilay .
“Mukhang okay na naman ang lahat. You did a great job Ms. Montero.” tumango naman ako. “Iiwanan ko na kayo at marami pa akong gagawin. Wag pasasakitin ang ulo ni Ms. Montero hah?” bilin ni Ms. Principal bago tuluyang umalis.
Nagtungo naman ako sa bleacher at naupo. Uminom ako ng tubig habang nagpupunas pa rin ng pawis. Iyong mga players? Nakamasid lang sa’kin. Mga nakangiti pa. Okay, simulan na ang pagiging coach.
“50 laps.. all of you!” saad ko.
“5-50 laps? seryoso?” saad ni manyak.
Mukhang ito ang pinakareklamador sa kanila.
“Okay, 55 laps.” tugon ko naman.
“55? Hindi naman porket-------”
Hindi na niya naituloy, kasi tinakpan na agad ni Mr. Late iyong bibig niya.
“Ano ka ba? Kapag nagreklamo ka pa, for sure madadagdagan pa ‘yan.” saad ni saint guy .
“Let’s go!” yaya naman ni sungit at nagsimula nang tumakbo.
Sumunod na naman ang iba. Not bad. This will be fun.