CHAPTER 4 - Ms. PERFECT & HER FAN GIRLS

1478 Words
TRISXH’s POV “Goodbye class!” paalam ni Mr. Valdex, our  Values Education Teacher. Our last class for today. Sa wakas, nakasurvive naman kami ng isang araw. “Goodbye sir.” we said in chorus, then nagsimula na kaming magprepare para umuwi.   Noong lunch, sa labas na kami kumain. Pwede palang lumabas ng school kapag lunch time. Kumain kami sa isang fast food chain at inenjoy ang paboritong chicken ni Joy , good thing  walang mga fan girls na umaaligid. Wala kaming klase after lunch, hindi daw kasi pumasok iyong teacher namin. Si Beshie? Natulog. At habang tulog siya, kinuhanan ko siya ng maraming maraming maraming pictures. Hehehe.   “Waaah! Ang ganda niya pala lalo sa malapitan?!”   Napahinto ako sa pagkuha ng pictures ni Beshie at unti-unting lumingon. Saka ko napansing napapalibutan na pala ako ng apat na nilalang. Nakatitig lang sila kay Beshie.. na parang maglalaway. Natomboy na ata sa kagandahan ni Beshie.   “Hello, Trisxh right? I’m Crisel.” pakilala noong chubby na may kinakain pang lollipop. “Ako budoy!” wika naman ng isang payat na may dimples. Ang lalim ng dimples niya, kainggit. “Aray naman, bakit kailangang mangbatok?” Binatukan kasi siya ni Crisel. “Magseryoso kasi paminsan-minsan.” sagot ni Crisel. “Akala ko kailangan magjoke e, Chelle nga pala.” “Mely”  saad ng pinakamaliit, pang-elementary iyong height niya, parang ang sarap ibulsa! “Ako naman si Melai.” pakilala noong isa na busy sa pagtetext, sa’kin ba siya nakangiti o dun sa text ng katext niya? “Welcome to 4-A class ng EXONHS.” sabay-sabay na saad noong tatlo, maliban kay Melai. “Mamaya na kasi magtext, sayang iyong nipractice natin oh!” wika ni Crisel. “Oo nga, oo nga.” segunda naman ni Chelle “Tomooo!” pahabol naman ni Mely.   Bumuntong-hininga naman si Melai, bago itinago iyong cellphone niya.   “Thanks. Nice to meet you all.” sabi ko naman, baka mag-away pa sila kapag hindi ako umepal. “Waah, anong sekreto niyo at kutis mayaman kayo?” wika ni Mely na sinoondot pa iyong face ko. “Saka ang hair, fabulous!” turan naman ni Chelle na hinaplos-haplos ang buhok ko. “Naka-contact lens ka ba? Ang ganda ng mata mo!” saad ni Crisel. Tinitigan niya lang mga mata ko, akala ko susundutin niya rin e. Hmp! “Ang ganda rin ng phone mo!” pahayag ni Melai. “Kahit kailan talaga mukha kang cellphone!” puna ni Mely “Akala mo sya hindi!” sagot naman ni Melai. “Katahimikan, katahimikan! Ayt, ayt.” saway naman ni Chelle na ginagaya pa iyong sa boy pick-up. Ang cute! “Pasensya ka na sa kanila ha.” bulong naman sa’kin ni Crisel. Siya nga lang ata ang matino sa kanilang apat. “Nakakatuwa nga e.” tugon ko naman. “Nakakatuwa daw tayo, friends na tayo ah!” turan ni Chelle “Oo nga, oo nga!” segunda naman ni Mely “Tomoooo!” hirit naman ni Melai. “Sure, friends na tayo!” wika ko naman.    Feeling ko, masaya silang maging kaibigan.   “Saka, si Ms. Perfect ah, kaibigan na rin namin.  Pakisabi na lang sa kanya kapag nagising siya.” bulalas ni Chelle “Ms. Perfect?” kunot-noong turan ko. “Oo, iyon ang tawag ng lahat sa kanya. Kasi ang galing niyang sumagot sa recitation tapos naperfect pa niya iyong entrance exam. Nakatake two kaya ako dun.” paliwanag naman ni Crisel. “Saka maganda siya tapos matalino, halos lahat nasa kanya na.” wika naman ni Melai “Pati height niya, perfect!” singit naman ni Mely “Inggit ka naman.” hirit ni Chelle na sinamaan lang ng tingin ni Mely. “Fans nga niya kami, natatakot lang talaga kaming lumapit sa kanya kasi baka hindi niya kami pansinin!” turan ni Crisel. “Pero, mabait naman siya di ba?” tanong ni Melai.     Tumango naman ako at ngumiti. Akalain mo iyon, may fans na agad si Beshie. Ako kaya, meron din?   “Fans mo rin kami.” wika naman ni Chelle.   Tumango naman iyong tatlo at ngumiti.   Waaaaah! I really love them na!   “Group hug!” hirit ni Mely.   Nag-group hug nga kami habang nakangiti sa isa’t isa. Yeheey! We have new friends na!     Bumalik lang ako sa kasalukuyan ng pitikin ni Beshie iyong noo ko.                                                                                             “Beshie, kailangan talagang gawin yun?”   Hindi naman siya sumagot at tumingin lang sa harap namin.   “Hi girlfriends!” bati ko sa apat na babae sa harap ko.   Kumunot naman ang noo ni Beshie at tumingin sa’kin. At ayon sa interpretasyon ko, sino daw sila at bakit girlfriends tawag ko. Hihihi!   “Beshie, meet our new friends.. Crisel, Mely, Melai and Chelle.” “Hello, Ms. Perfect.”   Lalo namang kumunot ang noo ni Beshie.   “I’ll explain later Beshie.” bulong ko naman sa kanya. “Batiin mo naman sila, please?” pahabol ko pa. Tiningnan niya lang naman ako.   At bigla akong kinilabutan, wrong timing naman.   “Beshie, wait mo’ko, mag-CR lang ako.” Tinatawag ako ng kaliknasaan! “Hindi pwedeng sa bahay na lang?” sagot naman ni Beshie na halatang naiilang na sa presensiya ng apat.   “Waaah,ang ganda ng boses! Perfect” bulong ni Chelle, pero naririnig pa rin namin.   I pouted, “Hindi kakayanin Beshi, please? Hintayin mo na lang ako dito.” nagmamadali na akong tumayo kasi hindi ko na talaga kayang pigilan. “Wait mu’ko ha.” pahabol ko pa bago lumabas ng room.  “Girlfriends, kayo na muna bahala kay Beshie hah?” nakangiti namang tumango iyong apat.   Habang naglalakad, may mga nag-babye pa sa'kin, ngumiti na lang ako kasi lalabas na talaga. Nnasaan ba iyong CR?    “Gotcha..” I saw it!   Dali-dali akong pumasok at saktong may isa pang cubicle na available. Pumasok na ako at inilabas ang dapat ilabas. Sarap sa feeling.     RISH’s POV   Tama bang iwan ako sa mga weirdong babaeng ito. Nakatayo pa rin sila sa harap ko at pasimpleng tumitingin sa'kin. Hindi sila mapakali.   “Anong gagawin natin? Kakausapin ba natin?” bulong noong maliit. “Hindi ko alam, mukhang ayaw sa’tin!” sagot naman noong payat. “Oo nga, nakasimangot sa’tin.” wika naman noong nagtetext. “Bakit nagtetext ka na naman? Mamaya na yan.” sita naman noong chubby.   Napabuntong-hininga na lang ako. Saan ba napulot ni Trisxh ang mga babaeng ito?   “Ang bango ng hininga mo!” wika noong maliit. Tsk! “Shhh, ayan tuloy mukhang naturn off na sa’tin.” saad noong nagtetext kanina. “Hindi ko napigilan, naamoy niyo rin naman di ba?” wika noong maliit.   Tumango naman iyong tatlo. Ang weird talaga ng mga tao dito. Ganito ba talaga sa public school?   “Siya ba iyon?” narinig kong tanong mula sa labas ng bintana. “Oo siya nga iyon, siya lang naman maganda sa loob di ba?”saad noong kausap. “Sige kukuha na ako ng mga pictures.” turan naman noong isa pa.   Napalingon naman ako. Ano ang mga ito, stalker?   “Ayon lumingon, nakuhanan mo ba?” “Hindi, ang bilis kaya.” “Naku naman!”   “Sino sila?” tanong ko dun sa apat na nagpopose pa. “N-nag-nagsalita ka?!” sabay sabay na sigaw noong apat.   Sakit sa tainga. Sino bang may sabing pipi ako?   “Waah, kinausap na niya tayo.” saad noong payat. “Oo nga, oo nga!” segunda noong maliit. “Pwede na tayong mamatay.” wika noong chubby. “Mauuna kayo, I'am not ready to die.” hirit noong nagtetext na ulit.   Grabe, di ba kapag 4-A class matatalino? Mukha bang matalino ang apat na ito? Dapat ata sa mental hospital sila. Tsk!   “Sino nga sila?” ulit ko.   Mukha kasing wala silang balak sagutin iyong tanong ko.   “Sino nga ba sila?” tanong naman noong payat at nagkamot pa ng ulo. “Staff sila ng school paper.” sagot ni Crisel. “For sure, ikaw ang ife-feature nila for this month.” wika naman ni Mely.   Kumunot na naman ang noo ko.   “Why me?” “Bakit naman hindi ikaw?” balik-tanong ni Crisel. “Usually kasi, iyong mga gwapo’t magaganda, iyong matatalino, at iyong mga sikat iyong nafe-feature dun.” paliwanag noong nagtetext. “Tomoo. Last month, si Hydee iyong nafeature.” singit noong maliit. “Wala ka namang gagawin e, kundi magpose.”saad noong payat   “Susundan ka kasi nila sa loob ng tatlong araw, tapos kukunan ng picture lahat ng ginagawa mo.” wika noong chubby.   Stalker nga , para lang si Trisxh. Speaking of Trisxh, nasaan na ba iyon? Ang tagal naman ata niyang mag-CR. Tss!   **  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD