JAKE's POV
Andito ako ngayon sa gym. As usual basketball practice na naman, next week kasi simula na ng elimination round. Kaya kailangan talaga pagbutihan.
“Hoy Blake! Aga naman niyan! Kapag 'yan nabuntis mo, lagot ka sa tatay mo!” sigaw ni Adrian, teammate at kabarkada namin. Siya ang pinakaconservative sa grupo, kaya ganyan makareact.
“Sa gym pa talaga Blake? Wala ka bang pangmotel man lang?” biro naman ni Karl, ang joker ng team.
“Wag nga kayong umepal! Nagmamadali na nga oh.” hirit naman ni Blake na bahagyang tumigil sa paghalik sa babaeng kasama para makapagsalita.
Siya ang certified playboy ng team, araw-araw iba-ibang babae ang kahalikan. Kaya hindi na ako magtataka kapag nagka AIDS ang lokong ito.
“Kapag inabutan ka ni Xander, lagot ka na naman.” saad ko.
Syempre ako ang pinakamabait.
“Sana nga maabutan 'yan ng tumino naman.” segunda naman ni Adrian.
11 kami sa team, syempre kami iyong first five, kasama si Xander. Sa tingin ko kami rin pinakasikat. Magkakabata kasi kaming lima, kaya matagal na talaga kaming magkakakilala. Para na nga kaming magkakapatid.
“Shhhh! Nanonood na nga lang kayo, nanggugulo pa. Mamaya pa naman darating si Xander, kaya wag na kayo mang-istorbo.” wika ni Blake.
Hahalikan na sana ulit niya iyong babae nang may lumilipad na bolang naglanding sa mukha niya.
Sapol!
“Ano ba?! Pambihira naman!” galit na saad niya sabay tayo. “Sinong bumato ng bola?”
Kami naman natatawa na lang, halos araw araw naman kasi, ganito ang eksena.
“Ako, may angal ka?” bungad ni Xander.
Siya ang captain ball, star player and at the same time, siya rin ang tumatayong coach ng team. Nagresign kasi iyong dati naming coach. Kaya kay Xander nakasalalay ang team.
“X-Xander?!” gulat na wika ni Blake, saka binulungan iyong babae “Later na lang ha, alis ka na muna.”
“Ha? Akala ko ba-----”
“Wag na makulit, sige na.” Halos ipagtulakan na ni Blake iyong babae.
Nailing na lang ako habang pinagmamasdan ang nakasimangot na papalayong babae, 'yan ang napapala ng pagiging pasaway.
“Alam mo na ang gagawin Blake.” turan naman ni Xander, habang nag-aayos ng sintas.
“A-Ah, 50 laps ulit?” wika ni Blake.
“Gusto mo pang dagdagan?” – Xander.
“Hindi! Ito na nga oh, sisimulan na.” natataranta namang nagsimula nang tumakbo si Blake.
Ganyan talaga kastrikto si Xander, pagdating sa court. Walang kai-kaibigan.
“Ano pang tinatayo tayo niyo diyan? Simulan na ang practice!” sigaw ni Xander.
Sabi ko nga.
Nagsimula na naman kaming magpractice, habang si Blake, lawit-dila na sa pagtakbo. Kaya wag niyo sIyang tutularan ha.
Halos dalawang oras din kaming nagpractice. Nakakapagod. Kalalabas lang namin sa shower room, at kasalukuyang naglalakad papuntang room. Ang daya nga e, ako lang ang section A, sila C lahat.
“Omg! Blake, hi!” – Girl 1
“Adrian, tingin ka naman oh!” – Girl 2
“Waaah, Karl! Ilabyu!” – Girl 3
“Xander, akin ka na lang!” – Girl 4 & 5
At syempre..
“Jake! Marry me!” – Girl 6
Kailan ba nawala ang mga fan girls? Nginitian ko na lang iyong mga nagmamahal sa'kin.
“Waaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!”
Akala ko naman dahil sa pagngiti ko kaya nagwala itong mga ito. Yun pala dahil sa pasaway naming kaibigan. Si Blake naman kasi.. hinalikan iyong isang babae. At hindi lang smack ha! Kailan kaya magtitino ito?
“Ayan Beshie! Siya iyon.. iyong gwapong manyak, sabi ko sa'yo wag na tayong pumasok e.”
Teka?
“Classmates!” tawag ko sa kanila, with kaway pa.
Siniko naman ako ni Adrian. “May chix ka na rin ha!”
“Ang gaganda bro, mala-anghel!” saad naman ni Karl.
“Mga classmates ko sila, tara, pakilala ko kayo..”
TRISXH's POV
Naglalakad kami ni Beshie papuntang room nang mapansin namin ang mga nagkakagulong kababaihan, syempre dahil dakilang curious ako, hinila ko si Beshie para makiusyoso. At nabusog talaga ang mga mata ko, ang gu-gwapo kasi!
Tapos, halos lumuwa ang mata ko ng makita ko si gwapong manyak may kahalikan na naman! Kailangan talaga may kahalikan siya kapag nagkikita ko?! Masakit na siya sa mata.
“Ayan Beshie! Siya iyon.. iyong gwapong manyak, sabi ko sa'yo wag na tayong pumasok e.” sumbong ko kay Beshie.
Tiningnan lang naman ako ng masama ng mabait kong bestfriend.
“Classmates!.” tapos narinig kong may tumawag.
Pagtingin ko, si Mr. Pogi pala. Nginitian ko lang naman siya. Naglalakad na sila papalapit sa'min.
“Trisxh & Airish.. mga kaibigan ko pala, sina ---- “
“Karl Gamboa.” putol nito sa pagsasalita ni Mr. Pogi. Sabay lahad ng kamay niya sa harap ni Beshie.
Mukhang may tinamaan na naman sa kagandahan ni Beshie.
“Adrian Pascua” turan ng gwapong nilalang sa harapan ko.
“Trisxh.” nakangiti ko namang tugon.
Iyong isa nilang kasama, nakatitig lang kay Beshie.
“Yow! Bakit niyo naman ako iniwan dun!” singit noong manyak.. “Hi chix..” bati niya sa'min sabay kindat.
Hindi man lang ako namukhaan? Ibang klase talaga ang lalaking ito.
“Siya si John Blake Guzman.. wag na wag kayong lalapit sa kanya, kung ayaw niyong mabuntis” turan ni Mr. Pogi, na binatukan naman ni Blake.
“Sinisira mo image ko e.” – Blake
“Bro, hindi niya talaga tatanggapin kamay ko?” wika naman ni Karl na hanggang ngayon pala ay nakalahad pa rin ang kamay sa harap ni Beshie.
“Ibaba mo na tol.” saad naman ni Mr. Pogi na sinoonod naman ni Karl habang kumakamot sa batok.
How cute!
“Xander? Hoy!” turan ni Adrian dun sa isa pa nilang kasama na parang natulala na ng tuluyan habang titig na titig kay Beshie. “Laway mo oh!” dagdag pa nito.
Agad-agad namang pinunasan nito ang gilid ng labi, “Tsk.”wika nito ng mapagtantong niloloko lang pala siya.
Nagtawanan naman iyong apat.
“Lakas tama! Ako'y nawawala.” hirit ni Karl.
Binatukan nga noong Xander.
“Mga baliw!” then nagsimula na siyang maglakad na sinundan naman noong tatlo.
“Bye.” pahabol pa nila, na nagflying kiss pa.
Iiling iling naman si Mr. Pogi.
“Pasensya na kayo ah, mga baliw lang talaga sila.” saad ni Mr. Pogi.
“Kukulit nga e.” tugon ko naman.
“Tara na.” yaya naman ni Beshie, na tahimik lang simula kanina.
Ano kayang iniisip niya at kailan kaya magiging maingay si Beshie?
Napalingon naman ako ng may magflash. Ito ba iyong sinasabi noong apat na girlfriends namin na staff ng school paper? Grabe lang ah, ang dami nila!