RiSH's POV
Back to school.
Iniisip ko pa rin iyong tungkol sa pinag-usapan namin ni lolo. Ano kayang nangyari at biglang naisipan ni Lolo na pabantayan ako sa mga bodyguards niya? For sure, kahit hindi ako pumayag, nasa tabi-tabi lang ang mga iyon.
At ang magaling na si Trisxh, hindi na naman ako isinabay sa pagpasok. Sabi ni yaya, 5 AM pa lang pumasok na siya. Panonoorin na naman niyang mag-practice si saint guy.
Hindi na ako ang coach nila, nakakuha na si Ms. Principal ng papalit sa'kin. Nakakatamad din naman silang turuan, napupuyat lang ako.
Ang weird na naman ng mga estudyante ngayon, bawat madaanan ko kino-congrats ako sa pagkakapanalo ng basketball team. Hindi naman ako ang naglaro di ba?
“Ms. Perfect, congrats, sana ikaw na lang ang coach nila forever..” - student 1
Paano iyon? Wala na akong ibang career, kundi ang maging coach?
“Ms. Perfect, ang laki ng improvement ng basketball team, anong magic ang ginawa mo?” - student 2
Magic? Ano ako, mangkukulam?
“Wala talagang imposible sayo, Ms. Perfect.” - student 3
Tinanguan ko na lang sila, nakakatamad kayang magsalita.
*lakad*
*lakad*
*lakad*
*lakad*
*lakad*
After 10,000 light years, narating ko rin ang sarado naming classroom. Late na ba ako? 7:15 pa lang naman.
Unti-unti kong binuksan ang pinto.
.
.
.
.
.
.
.
“Congrats Airish/coach/Ms. Perfect!!!!” sigaw ng mga kaklase ko, ni flower girl at ng buong basketball team, EXCEPT sunget na nakaupo sa upuan ni SC Pres. at bored na nakatingin lang sa'kin.
Halatang pinagkaabalahan ah!
Banner? Check.
Lights Off/On Scene?Check.
“Beshie! Nasurprise ka ba? Pinaghandaan namin ito.. nagpagawa pa kami ng banner, tapos nakiusap kami kay Ms. Principal na wala muna tayong klase ngayong first period..” paliwanang ni Trisxh.
“Okay lang naman..”tugon ko sa kanya at naupo na sa upuan ko..
“Coach! Pwedeng ikaw na lang ulit ang coach namin?” - snow guy
“Oo nga coach, masyadong brutal si coach Fred..” - emo guy
“Mas magaling ka magturo sa kanya coach!” - kapal kilay
“Sige na coach.. wag mo kaming iwan!” - Smiley
“Mamimiss ka namin coach..” - gangster guy
“Gagalingan pa namin coach, para sayo..” - Mr. Dimples
“FC lang mga dude, porket kayo nagpanalo sa'tin..” - Mr. Kamay
“Oo nga, tsk.. dumami rin mga chix niyo!” - manyak
Tama ba namang palibutan ako ng mga ito?
“Coach..” tawag ni saint guy.. “Salamat..” at nakipag-apir sa'kin.
“Suportahan mo pa rin ang team ah..” singit ni Mr. Late
Tumango lang ulit ako.
“Oh Xander, wala ka bang sasabihin?” tanong naman ni SC President kaya nabaling ang atensyon ng lahat kay sunget.
Napasimangot naman si sunget.
“Ge..” saad ni sunget at nagsimula ng maglakad palabas ng classroom.
Problema noon?
“hoy Xander! Anong ge?” pahabol ni manyak
“yun na yun?” turan naman ni Mr. Kamay
Iiling-iling naman si SC President saka nagsalita, “Pasensya ka na, Airish.. medyo may topak lang iyon..”
Tumango lang naman ako at tumingin sa labas ng bintana.
Nalulungkot ba ako dahil hindi ko na makakasama ang makukulit na ito? Konti. Aminin ko man o hindi, naging bahagi na rin sila ng buhay ko.
“Beshie..” tawag ni Trisxh kaya napatingin ako sa kanya, “Aalis na daw sila, may practice pa kasi..”
Tiningnan ko lang naman isa-isa ang mga lalaking nakatayo sa harap ko.
“Good luck..” I sincerely said.
Napangiti naman sila at isa-isang sumaludo sa'kin na parang sundalo saka nag-uunahang lumabas ng classroom.
Parang mga bata lang.
Sumunod naman sa kanila sina Trisxh at SC President, manonood siguro ng practice. Kailan pa naging supportive si SC President sa basketball team?
“Ms. Perfect?” tawag ni flower girl.. “Eto oh..”then may inaabot siya sa'kin, isang keychain na bola.
Binigyan ko lan siya ng Para saan ito? look.
“Ahm kasi, may work na kasi si tatay.. kaya yan, thank you gift. Simula kasi noong makita mo ako sa garden, naging maayos na iyong buhay ko, iyong buhay namin.. kaya iyon, s-salamat.”
Tinanggap ko na lang. Bola. Simula ng maging coach ako, mas marami nga akong nakilala at nakasama. Kaibigan ko na ba sila kapag ganoon? Siguro nga. Pero hanggang kailan? Matatanggap ba nila ako kapag nalaman nila ang totoo?
Kung tama ang hinala ko na may nagbabanta sa buhay ko, paano kung madamay sila? Tama ba talaga si lolo na ipadala ako sa school na ito?
Simple lang ang buhay nila at hindi makakaya ng konsensya ko, kapag nadamay sila sa gulong pwedeng mangyari kapag nalantad ang pagkatao ko.
“Ms. Perfect, okay ka lang?” - payat
“Oh? Napapangitan ka siguro sa bigay ni Gem no?” - chubby
“Pangit naman nga hihi, dapat iyong isang napili ko na lang ihh” - liit
“Ay iyong daga na pink? ampangit noon lalo!” - text addict
Hindi talaga kumpleto, kapag hindi sumisingit ang apat na ito.
Tiningnan ko si flower girl, gumastos pa siya para lang mabigyan ako nito.
“Salamat.” I said then kinabit ko ang keychain sa bag ko.
Nakita ko namang natuwa siya sa ginawa ko at nagsimula na siyang makipagtalo at makipagkulitan sa apat.
Do I deserve their kindness? their admiration? their respect?
Do I deserve to be their friend?
*sigh*