REINA "Mas makakabuti kong dito na lang muna tayo. Mapanganib kung lalabas pa tayo rito sa kweba, Nathan." mungkahi ko. Para kasing may hindi magandang mangyayari kapag lumabas kami sa kwebang 'to. Hindi ako sigurado pero masama ang kutob ako na hindi aayon ang ika-anim na araw ng laro 'to sa amin. "Mas magiging mapanganib kung hindi tayo aalis dito. Wala tayong ideya kung gaano kadami ang pinapadala nilang tauhan para suyurin ang buong isla." Pahayag nito. "Hey, masama ba ang pakiramdam mo?" lumapit si Nathan sa akin saka idinikit ang noo n'ya sa noo ko. "Ayos lang ako. Nag-aalala lang ako na baka may mangyari na naman kapag umalis tayo dito." "Don't worry. Nandito lang ako para protektahan ka. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo. I promise." saka n'ya ako hinalikan sa noo.

