Chapter 19 - Love and Betrayal

1973 Words
YVETTE "Aahhh!" sigaw ni Gemma ng mahulog ito sa isang patibong. Lagpas tao ang hukay kaya mahihirapan s'yang makaalis panigurado. "Aist! Sinong hinayupak naman kaya ang gumawa nito." iritado nitong sabi. Tatanga-tanga kasi. Sa kakabunganga n'ya ay hindi nito napansin ang patibong. "Yvette! Here! Tulungan mo ako." iniaabot n'ya sa' akin ang palaso n'ya para hilahin ko s'ya pataas pero dahil ayokong magpagod ay dedma lang ako sa iniutos n'ya. Matagal na akong naiirita sa bruhang 'to kaya bahala s'yang mabulok sa hukay na 'yan. "Help me! Faster!" maawtoridad na utos nito na ikinakunot ng noo ko. Kala mo kung sino makapag-utos. Ginamit ko lang naman s'ya...sila para tumagal ang buhay ko sa islang 'to. "Where do you think you’re goinG?!" "Rest in Peace!" nakangising saad ko. "YOU A**HOLE! HOW DARE YOU!" Bukod sa kaligtasan ng buhay ko ay iniisip ko rin kung paano ko papatayin si Asher at Eunice kapag nag-cross ulit ang mga landas namin. *** Limang nakamen in black ang agad na humarang sa akin bago pa man ako makalabas sa magubat na parte ng isla. May mga hawak na baril ang mga lalaki na ikinabahala ko. Wala akong laban sa limang 'to sa sandata palang na meron ako. Isang kalabit lang nila ng gatilyo sa armas na hawak nila ay siguradong tumba na ako. Itinutok ng isa ang baril n'ya sa akin at akmang babaril na sana nito ako ng bigla na lang may kung sinong lalaki ang biglang umeksena at mabilis na pinag-aatake ang lima gamit ang bitbit nitong katana. Halos masuka ako sa mga parte ng katawan at dugo na nagkalat matapos n'yang pagpapaslangin ang lima. Napalunok ako ng bigla itong tumingin ng nakapangingilabot sa direksyon ko. Para itong wala sa sarili dahil bulong ito ng bulong habang nakangisi. Puno rin ng natuyong dugo ang uniform nito. "Die." bulong nito. "DIE!!" sigaw na nito na nagpanginig ng mga tuhod. "H-Hindi ako ang kalaban mo dito kundi ang mga pinadala nilang tauh---" naputol ang sasabihin ko ng bigla n'ya na lang ako atakihin gamit ang katana n'ya. Nakaiwas ako pero kitang-kita ko ang nakakapangilabot n'yang ngiti habang nakatitig sa akin. Nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang hapdi sa kanang braso ko at halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko braso ko na nasa lupa at nakahiwalay na sa katawan ko. *** GEMMA That b***h! Ang lakas ng loob n'ya na iwan ako rito! Kung hindi ko mapapatay si Yvette gamit ang mga kamay ko ay karma na ang bahala sa kanya. Gamit ang palaso at lubid na meron ako ay sinubukan kong panain ang isa sa mga puno para makaalis sa bwisit na hukay nito. Ilang beses din ako pumalya pero sa huli ay matagumpay akong nakaakyat pero hindi pa pala tapos ang kalbaryo ko. Paglabas ko palang ay dalawang nakamen in black na ang sumalubong sa akin habang nakatutok ang mga baril nila sa' akin. Ang papangit nila! "H-hi boys!" I said with my seductive tone. “Witwiw!" sipol ng isa. "Hi! Miss beautiful!" Nakakasuka ang mga pagmumukha ng dalawang 'to. "Hmmm. Pwede n'yo bang ibaba muna ang mga baril n'yo? You're scaring me kasi. I'm no harm naman 'e." "Pasensya na miss pero kahit maganda ka 'e hindi mo kami basta-basta madadala sa pagpapacute mo na 'yan." "Really?" dahan-dahan kong tinatagal ang pagkakabotones ng blouse ko para sa ganun ay maakit sila sa kamandag ko. Nakita kong parehas silang napalunok at pinagpapawisan. Hindi pala madadala ah.Tsk. Unti-unti akong lumapit sa kanila. Parang na-hypnotise sila dahil ni isa sa kanila ay walang gumagalaw at nakatitig lang sa katawan kong nakabalandra sa kanila. Nang makalapit ako ay parehas kong hinimas ang mga nakakadiri nilang pisngi. Pumunta ako sa likuran nila saka ko kinagat ng bahagya ang mga tenga nila dahilan para mas lalo silang pagpawisan. Tsk. Parang ngayon lang sila nakakita ng babaeng hubad. Dahan-dahan kong binunot ang isa kong palaso para panain sila ng malapitan pero bago pa man kumawala ang palaso sa pana ko at may kung anong matalim na bagay ang bumaon sa dibdib ko. Mas lalo n'ya pang ibinaon ang talim sa dibdib ko kaya nakita ko ang mahabang patalim na dahilan para mabitawan ko ang pana ko kasabay ng pagbagsak ko sa lupa. Nanlalabo ang mga mata ko pero kitang-kita ko pa rin ang dalawang ulo na bumagsak sa harapan ko. 'yon ang ulo ng dalawang nakamen in black. Naglakad ang lalaki palayo na parang walang nangyari hila-hila ang napakahaba at duguan nitong katana. Kinakapos na ako ng hininga kaya pumikit na lang ako at hinintay ang kamatayan ko. *** TORRENCE "Kailangan na nating maghiwa-hiwalay. Sa laki ng grupo natin ay mabilis tayong makakakuha ng atensyon. Mas malaki rin ang chance na mabuhay tayong lahat hanggang sa ikapitong araw kong pansamantala tayong maghihiwa-hiwalay." pahayag ni Skyler na nagpakunot ng noo ko. "Anong klasing plano naman 'yan?" iritabling tanong ko. "Mas makakabuti 'yon." saad ni Stanley. "Ayaw mo namang siguro mamatay tayo ng sabay-sabay sa isang tira lang. Iba na ang sitwasyon natin ngayon kesa noon, Torrence." pagpapaliwanag ni Sky. "Bakit kailangan pa nating maghiwa-hiwalay kong pwede naman tayong mag-tulungan para mabuhay." pangangatwiran ni Red. "Sa tingin mo ba ay ganun lang 'yon kadali? Hanggang ngayon ay may mga tracker pa ring nakabaon sa mga katawan natin at alam nila ang kinaroroonan natin. Kung tayo ang may pinakamalaking grupo ay paniguradong tayo ang uunahin nilang ipapahanap." paliwanag ni Stanley. May punto ang mga sinabi ni Stanley. Bukang-liwayway ng ikatlong araw ng final week ng laro. Napagpasyahan naming pumayag na sa plano ni na Skyler dahil para rin 'yon sa ikabubuti naming lahat. "Hoy! Torrence! 'Wag na wag kang mamamatay. Lagot ka talaga sa' akin kapag nangyari 'yon." banta ni Red sabay yakap ng mahigpit sa akin. Paano naman kaya ako malalagot kong patay na ako. Si Stanley at Purple ang makakasama ni Red samantalang si Reina at Nathan naman ang pares. At ako, no choice kung 'di si Skyler. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero nitong mga nakaraang araw kasi naiilang na ako sa kanya. Hindi ko nga alam kong bakit. Noong tinanong kasi ni Purple kung paano hahatiin kami sa tatlong grupo ay bigla na lang akong hinila ni Skyler. Ganun din ang ginawa ni Stanley at Nathan, hinila rin nila si Red at Reina. "Tsk. Mag-iingat ka." "Sige, promise yan! Reina!" biglang hila ni Red kay Reina saka ito yinakap. "Reina, ikaw din dapat! G-gusto kong sabay-sabay tayong lalabas sa islang 'to." "Oo naman." sagot ni Reina. "Ang drama mo." pagbibiro ko kay Red. Bigla kasi s'yang umiyak. Agad n'ya namang pinunas ang pisngi n'ya saka n'ya ako tinatarayan. "Aasahan ko 'yan sa inyo ah." Tumango kami ni Reina saka nakipagkamay sa bawat isa. "Pirmado-Silyado ang usapang ito kaya tumupad kayo sa usapan." "Oo na." "Torrence, aalis na tayo." biglang sulpot ni Sky sa likuran ko kasunod sina Stanley, Purple at Nathan. Sa buong buhay ko ay ito ang unang beses na nakaramdam ako ng kakaibang lungkot dahil sa pag-alis ng mga taong napalapit na ng husto sa akin. Tsk. Binago na nga ako ng larong 'to. Yung maagas, antisocial, basagulira at cold personality ko ay nawala na simula ng umapak ako sa islang 'to at simula ng makilala ko sila. *** "Hoy! Ba’t ba ang tahimik mo?" tanong ni Sky na nasa likuran ko lang at nakasunod. "E sa wala akong gustong sabihin sayo." "Tss. Akala mo ba ay nakakalimutan ko na ang kasalanan mo sa akin." "Anong pinagsasasabi mo? Wala akong natatandaan na may ginawa ako sayo." "Hahaha. Grabe, nakalimutan mo na naman kaagad?" "Ano ba kasi 'yon?" "Sigurado ka bang gusto mong malaman?" "Sasabihin mo ba o sasapakin pa kita? Pumili ka." pagbabanta ko. Narinig ko s'yang tumawa nang mahina kaya mas lalo akong nainis. "Sige, basta walang sisihan, naalala mo ba yung araw na pinagplanuhan nating iligtas si Nathan at Reina?" Bigla akong natigil sa paglalakad. Naaalala ko na. Pinagsisisihan kong itinanong ko pa sa kanya. Ang bobo mo Torrence. "Wag mo nang ituloy ang sasabihin mo. Parang a-ayoko na kasing maalala 'yang kasalanan ko sayo...k-kung meron man." Maglalakad na sana ulit ako pero may biglang pumulupot na mga braso sa bewang ko kasabay ng pagpatong ng baba n'ya sa balikat ko na nagpakilabot sa akin ng sobra. "Tamang-tama dahil solong-solo kita mamayang gabi." "K-Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo. Bwisit ka!" bulyaw ko sa kanya habang nagpupumiglas mula sa pagkakayakap n'ya mula sa likuran ko. "Sus. 'Wag ka na kasing pakipot...pag ako nawala siguradong hahanap-hanapin mo ko. Hehehe." Leche! Ang kapal ng mukha ng lalaking 'to. Pero halos mag-init ang pisngi ko sa mga sinabi n'ya. Para s'yang lason sa sistema ko na hindi ko maipaliwag. Ang lakas lagi ng kabog ng dibdib ko sa tuwing didikit s'ya sa akin at nawawala ang kaangasan ko kapag ganito s'ya ka-abnormaL sa kasweet-an. "May paparating." bulong nito sabay hila sa akin papunta sa isang punong katabi lang namin. "A----" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng takman ni Sky ang bibig ko gamit ang kamay n'ya. Doon ko narinig ang dalawang lalaking nag-uusap malapit sa amin. 'Dito ko kanina narinig yung boses ng babae at lalaking nag-uusap.' 'E wala naman eh!' 'Tsk. Natunugan siguro ang pag-dating natin.' F*ck! Muntik na kami 'dun! *** EUNICE "At ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" bulyaw ko kay Asher. "Hehehe. Nagising ba kita?" malambing nitong tanonng habang hinihimas-himas ang tiyan ko. "E 'yong baby namin, nagising ko rin ba?" Napangiti na lang ako habang pinapanood ko s'ya. Nang malaman kasi nitong buntis ako ay masayang-masaya s'ya. Mahigit isang buwan ko ring itinago sa kanya ang sitwasyon ko dahil akala ko noon ay hindi n'ya matatanggap ang dinadala ko pero nagkamali ako. Pinatunayan n'ya sa akin na pananagutan at mamahalin n'ya kaming mag-ina kaya nagpapasalamat talaga akong dumating s'ya. Pero hindi pa tapos ang laro. Natatakot ako na baka may mangyaring masama. Hindi ko maiwasan na mapa-isip, paano kong... "T-teka, ba’t ka umiiyak? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong nito. Umiling-iling lang ako saka ngumiti kay Asher. "Ikukuha lang kita ng maiinom. Tahan na, okay." saka n'ya ako hinalikan sa noo bago umalis. Naglakad-lakad na lang muna ako dahil kong uupo lang ako baka antukin at makatulog na naman ako ng wala sa oras. Ganito ba talaga ang mga buntis, mga antukin? Halos atakihin ako sa puso dahil sa gulat ng may brasong bigla na lang bumagsak sa harap ko. "Nahanap din kita!" "Y-Yvette." sambit ko sa pangalan ng babaing nasa harapan ko ngayon. Wala na itong kanang braso at mukhang napakaraming dugo na rin ang nawala sa kanya sa dahil sa pamumutla nito. "Handa ka na bang magpaalam sa mundong 'to!" tanong nito saka n'ya itinutok ang baril sa akin habang tumatawa na parang baliw. "P-please, tigilan mo 'tong kahibangan mo, Yvette!" "Wow! Totoo ba 'tong nakikita ko? Nagmamakaawa ko? Ahahaha!" "B-Buntis ako! Parang-awa mo na 'wag mo kaming sasaktan" iyak ko pero mas lalo lang lumawak ang ngisi n'ya at malakas na humalakhak. "Edi mas masaya!" napapikit na lang ako at hinintay na tumama ang bala sa katawan ko. Tatlong putok ang umalingaw-ngaw pero walang akong naramdamang sakit kaya agad kong minulat ang mata ko. Napatakip na lang ako ng bibig ng makita ko Asher na nakatayo sa harap ko. "A-Ash..." Dali-dali akong lumapit sa kanya. Napahagulgol na lang ako ng makita ko ang kalagayan n'ya. May tama s'ya ng baril sa dibdib habang hawak ang sibat na nakabaon na sa tiyan ni Yvette. "A-ayos lang ba kayo ni baby?" "P-Please...w-wag mo kaming i-iwan ng anak m-mo. Di ko kakayanin kapag nawala ka." hagulgol ko. "Ssshhh. T-tahan na. B-Baka makasama sa b-baby n-natin...M-mahal k-k-----" "ASH! G-gumising k-ka p-please!" "B-ba’t h-h-hindi ka n-na lang s-sumunod sa k-kanya?" Agad akong napaharap kay Yvette pero huli na dahil agad n'yang ipinutok ang baril sa ulo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD