Dawn POV Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at ngayon nandito ako sa loob ng kwarto ng anak ko habang ito ay kanina pa ako kinakausap at kung ano-ano ang mga pinapakita sa akin. Ngunit halos wala ako maunawaan sa mga sinasabi nito, na tila lumilipad ang utak ko at hindi ako mapakali. Sino ba namang hindi? Kung nasa pamamahay ka ng taong kinamumuhian mo na ano mang oras ay hindi mo alam kung ano ang pwedeng gawin sa'yo Mabuti na nga lang at iniwan kami rito ni Flix at mukhang nakaramdam naman ito na ayaw ko sa presensya nito at ang ulol ay kusang umalis at sinabing babalikan niya raw kami mamaya. Tsk kung pwede lang ay sana huwag na. Isa pa ang hindi ko rin maintindihan ay kung bakit tanging mga kasambahay tapos si Flix at ang anak ko lang ang nakatira sa malaking bahay n

