"Ma..." saad ni Meenah matapos ang ilang minutong katahimikan. Marahang ini-angat naman ng ina ang kanyang ulo. Tumitig ang isa't isa nang mata sa mata. Animo'y nangungusap at nagkaka-unawaan. Sumenyas naman ang ina na maupo ito sa tabi niya. Sumunod naman ang dalaga sa kanya at saglit silang nag-usap. Mayamaya ay nagkaunawaan na sila ng ina. Ang akala nitong mahihirapan itong magpaliwanag sa anak. Pero matalinong babae si Meenah at agad niyang naintindihan ang mga bagay-bagay. Against man siya sa relasyon nina Gardo at Amanda pero kung ganoon naman pala ang nangyari ay hahayaan na niya ito. Matapos mag-usap ang mag-ina ay nagtungo nang muli si Meenah sa kwarto. Nadatnan niyang nahihimbing na ang kapatid kaya dahan-dahan siyang umakyat sa higaan. Mag-aalas kwatro pa lamang nang magising

