"Ate! " puno ng excitement na sigaw ni Leen nang makita ang ate niya. Kulang nalang ay magpakarga ito sa tuwa dahil sa tindi ng pagkakayakap nito. "Ate, na-miss kita... Buti bumalik ka na." napatango lang siya sa kapatid. Ayaw niyang sirain ang saya nito. Pero ayaw niya ring bigyan ito ng false hope. Hindi niya sinabi na makikitulog lang siya. Kontento na siya sa kung saan siya nakatira ngayon. Ayaw niya kasing istorbohin pa ang buhay ng nakagisnan niyang pamilya. "Ano ka ba, Gardo? Huwag kang mag-alala wala na si Meenah dito. Halika na sa loob. Wala rin namang pakialam sa ‘kin ang tunay kong anak." saad ng ina nilang si Amanda. "Sure ka ha. Last time na nahuli tayo ay sinamaan ako ng tingin no’n. Akala ko nga matutunaw ako." saad ni Gardo nag-aalala pero patuloy pa rin ang paghaplos sa

