"O, ate. Kanina ka pa hinahanap ni papa. Nagagalit na naman. Simula raw nang nagtrabaho ka sa kumpanyang ‘yon ay lagi ka nang ginagabi." sabi ni Leen nang pumasok siya sa kwarto nila. "Katukin mo raw siya pagdating mo. Umalis kasi si mama. Nagbingo na naman. Talo raw kasi kaya ayun bumalik para bumawi. Binigyan naman ni papa ng pera para umalis. Ang kulit daw kasi. Alis nga pala ako, ate. May group study kami ng mga classmates ko. Baka bukas na ako makauwi." dagdag pa nito. Sa pananalita pa lang ni Leen ay parang alam na niya ang mangyayari. "Nag-transfer na ako kanina ng allowance mo. Tipirin mo na lang baka hindi ako makapag-transfer ng ilang buwan." sabi niya. "Talaga, ate? Thank you! Love you!" bigla itong tumayo sa higaan at nagtatalon sa tuwa. "Nakabihis ka na pala. E bakit nakah

