"Hi, Malter!" sambit ni Meenah nang makalapit sa binata. Agad namang napalingon ang binata sa dalagang tumawag sa kanya. Pakiramdam nito ay lumulutang ito sa alapaap sa tawag pa lang ng dalaga sa pangalan nito. Tumalon ang puso nito sa tuwa. Para dito ay isang himala na mapansin ito ng dalagang matagal na nitong gusto. "Hi, Meen!" kaway nito na abot tainga ang ngiti. "Lunch tayo sa Bistro Balas." saad niya. Siya na ang unang gagawa ng move sa isip niya. Siguradong kapag ito ang nakatuluyan niya ay hindi na siya masasaktan pa. Agad itong tumayo para lapitan siya. Nang makaupo ang dalaga sa pwesto niya ay agad na inilapat ni Malter ang kanyang palad sa noo ni Meenah. "O? Anong ginagawa mo?" tanong niya sa binata. Natatawa naman ito sa dalaga nang alisin niya ang palad nito sa noo niya. "

