Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ngayon ni Marty habang nakatayo at naghihintay sa loob ng church. Kanina pa siya walang tigil kalilingon sa bandang likuran. Halos humaba na ang leeg nito kasisipat kung dumating na ba ang fiancee' niya. "Where is she?" saad ng isip niya habang maya't maya ang pagsilip nito sa silver na relong nakasuot sa kanang kamay niya. Kitang-kita ang kakisigan niya lalo na sa suot niyang suit. Ang panloob nitong kulay pula na talaga naman nakapagpalitaw ng tunay na kulay niya. Hindi gaanong maputi at hindi rin gaanong maitim. "Wala pa?" buka ng bibig niya sabay senyas sa mga bridesmaid na nag-aabang. Isa na si Priscilla sa mga ito na siyang sinisenyasan ni Marty. Kumibit-balikat lamang ito. Paano ay wala pa si Patricia. Kahit si Leen ay wala ring ide

