Chapter 27 – The Truth Behind

1273 Words

Umihip ang malamig na hangin sa kanyang balat ng ilang segundo. Ramdam niya ang bumalot na lamig sa katawan. "Pa..." saad niya. Ilang buwan na nga ba ang lumipas mula nang mailibing ang kanyang ama. Apat na buwan. Gano’n kabilis ang panahon na wala na ang hinahangaan niyang ama. Ang kinagisnan niyang haligi ng tahanan. Ang matagal niyang hinangaan na katuwang niyang magtaguyod sa pamilya nila. Pamilyang hindi niya pag-aari. Pero minahal niya. Pamilyang maraming lihim na unti-unting nabubunyag. "Anak, patawarin mo kami ng papa mo. Malaki ang pagkukulang namin sa ‘yo. Sa inyo ni Leen." naalala niyang sabi ng kanyang ina. "Huwag mo sanang tingnan ang ama mo na masamang tao. Hindi niya kagustuhan ang mga nangyari. Maaring may hinanakit ka. Iyan din ang dahilan kaya hinayaan kong sa akin ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD