"Hi, Darling!" bungad ni Marty sa dalaga paglapit nito sa desk niya. Hindi naman malaman ni Meenah kung kikiligin ba siya o matutunaw na parang bula. Walang sila pero may terms of endearment na. Mahirap yung nilandi pero walang relasyon. Sa isip-isip niya. Minsan talaga hindi mo ma-predict ang kagwapuhan ng binata. Kanina lang ay ini-snob siya nito pagpunta niya sa office nito. Hindi niya alam kung nagseselos ba ito sa kanya dahil kasama niya si Malter na mag-report dito. Pero wala namang sila kaya walang dapat pagselosan at walang dapat magselos "H-hello, Mr. Alfonso." saad niya pagkatayo niya. Alam niyang wala naman itong kailangan sa kanya dahil nag-message na ito kanina. Mukhang nakahalata naman ang binata na hindi nito nagustuhan ang ginawa niya kaya't umayos ito ng tindig na nakada

