SPECIAL CHAPTER 5 ------------------------------ CHARRIE POV ------------------------------ "Ano sumagot ka! May iba ka na ba? Theo may iba ka na ba?" Mangiyak ngiyak na tanong ko. Ilang beses kong inulit yung tanong ko sa kanya pero hindi sya sumasagot. Basta nanatili lang syang nakatingin sa akin na parang hirap na hirap ang kalooban. Lalong lumakas ang kutob ko na yon na nga ang dahilan ng biglaang panlalamig nya sa akin. Kaya siguro bigla nalang syang nawala at hindi na nagparamdam. "Sino yon? Sino yung babae mo!?" Galit na tanong ko sa kanya. Automatic na nanggilid ang mga luha ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon. "Grabe ka Theo! Halos isang buwan at kalahati ka lang nawala tapos may iba ka na? Ipinagpalit mo na ko ng ganun ganun lang?" Masama ang loob na sita ko sa kanya.

