CHAPTER 114 ------------------------------ ROXANNE POV ------------------------------ "Ang gaga ko talaga!" Inis na sita ko sa sarili ko. Kinakain ako ng guilt kasi sa kabila ng kabutihan ni Theo sa akin ay sinungitan ko pa sya. Lalo na nga at alam ko na hindi naman nya ako iniwan maghapon. Nasa ibaba lang sya ng bahay at nakabantay habang masama ang panahon. Tinutulungan nya si Inang Apas na pagsilbihan ako kung may kailangan ako. Tulad nga ngayon, nakita ko pa syang nagdala ng basket ng prutas sa mesitang malapit sa kwartong tinutuyan ko. Basta araw araw napapalitan ang mga prutas na hindi ko nagagalaw. Hindi nya hinahayaan na hindi fresh ang nalalagay don. Gusto ko man syang batiin at pasalamatan ay kinakain ako ng hiya kaya nagpaka deadma nalang ako. Tatlong araw halos na hindi

