CHAPTER 73 -------------------- VEIL CITY TWO HOURS LATER --------------------- GWEN POV -------------------- Mariing pinunasan ko ang mga luhang nag uunahang tumulo sa mga pisngi ko. Nakakainis naman kasi at kanina pa walang tigil ang pagdaloy ng mga ito. Sa totoo lang ay masakit na at pagod na hindi lang ang puso at utak ko kundi pati mga mata ko sa walang tigil na pag iyak. Hindi ko naman kasi mapigilan ang mapa luha tuwing naalala ko ng sinapit ng lolo ko dahil sa kagagawan ko. Lalo na ang pagkaka hospital din ni nanay dahil doon at ang kataksilan ni Ron sa akin. Hindi ko nga alam kung paano ako nakarating dito sa kwarto na binili ni Rael sa Veil City. Hindi ko alam kung saang lupalop ako kumuha ng lakas ng loob para tawagan si Rael kanina para humingi ng tulong. Alam ko na

