CHAPTER 13 -------------- RON POV -------------- Marami na syang nagawang kabutihan sa akin at sa pamilya ko. Kaso ewan ba at parang kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya. Kaya nga nung ulitin na naman nya ang pagtatapat nya ng damdamin nya sa akin kahapon ay wala na naman akong naisagot sa kanya. Kundi ang totoong nararamdaman ko para sa kanya na hanggang kaibigan lang talaga. Alam ko na nasaktan ko sya. Lalo na at may nakarinig pa pala sa pagtatapat nya. Kaya nga lang ay ayaw ko naman na pasukin ang isang relasyon na hindi ako sigurado na mapapasaya ko ang taong yon. Tsaka isa pa ay priority ko kasi ngayon ang pamilya at ang pag aaral ko. Kaya hindi ko muna binibigyan ng oras ang tungkol sa pag ibig na ganyan. After kong magpaalam sa boss namin ay pumunta na agad ako sa may w

